Bia POV:
NAALIMPUNGATAN ako sa mabagong amoy ng pagkain na never ko pa natikman kaya maingat akong bumangon saka kinusot ang mga mata ko bago ako pumasok sa banyo at nag-toothbrush.
Pagkatapos ko mag-toothbrush ay inamoy-amoy ko muna ang sarili ko bago lumabas doon at lumiko pakaliwa kung nasaan ang kusina ng penthouse niya dito sa pinakamataas na building sa kompanya niya.
"Haaaaaaah! Good morning." Inaantok na bati ko kay Max nang lingunin niya ako dahil sa malakas na paghikab ko. "Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto."
"You never ask. Oh well, how would you ask if you keep on talking only about your two-timer boyfriend?" Ang pangit na ng umaga ko. Ang ganda niyang bumungad sa bisita niya, huh? Hindi ako nakasagot kay Max dahil sa sinabi niya pero umupo na ako sa upoang nasa harap ko. "Take a bath, Bianca, do you wanna take your breakfast in the rooftop?"
Nawala ang antok ko dahil sa tanong niya kaya tumayo agad ako. "Maliligo muna ako at sa rooftop tayo kakain."
Ningitian niya ako ng pagkaganda-ganda. Ang ganda na ng umaga ko. "Sure."
Mabilis akong pumasok sa guest room na pinagamit niya sakin dahil ayokong umuwi kagabi kasi alam kong pupuntahan ako ni Bruce doon at magpapalusot nanaman. Na-block ko nga siya kahapon before ako pumasok sa conference room at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya in-unblock.
Nag-shower ako saka nag-bathtub habang nagha-humming. First time kong matulog dito kaya hindi ko alam na marunong pala magluto ang isang bilyonaryo na katulad ni Max pero worth it naman dahil kahit parehong white ang loob ng tinitirhan namin ay mas malinis, mas mabango at mas maganda ang lugar niya.
Yung style ng penthouse niya ay walang maraming hagdan dahil nasa pinakaitaas na ito ng building ng kompanya niya. Ang kulay ng lahat ng pinto ay blue kahit yung lababo niya blue din pero yung mga utensils ay black at ang mga plato naman ay white na.
Pagbukas ng main door ay napakalaking sala agad niya. Sa kaliwa ay andoon ang naghahabaang plain blue sofa niya. Dalawang magkaharap na nasa gitna at isang nakaharap sa napakalaki niyang flat screen TV. Sa TV niya ay may mga mamahaling at magagandang furnitures kung saan nakalagay ang TV sa pinakagitna. Laptop sa ibaba ng TV at DVD player sa pinakaitaas nito. Sa kaliwa ng TV ay may mga pictures na nakita ko kagabi na iba't-ibang mga kaibigan niyang halatang mga taga ibang bansa. Sa kanan naman ay mga novels. Hindi nga ako makapaniwala na mahilig pala siya sa novels pero sabi niya kagabi.
"Influence by my cousin and friends."
Napaka-bad boy niya kumilos at manamit pero pagdating pala dito sa lungga niya ay may sarili siyang mundo dahil sa novels niya. Sinubokan kong buksan ang isa na may magandang title kagabi pero nahilo yata ako nang makitang English ang mga naksulat doon kaya binalik ko na lang yun sa book shelves niya.
Sa bawat gilid naman ng laptop ay mga tapes at ginulo ko yun kagabi kaya nakita kong mga English movies pa rin yun pero may iba na napanood ko na ang kaso tumigil ako sa pagkalkal sa mga gamit niya nang ako ang pinaligpit niya sa ginulo ko.
Sa likod ng TV at bookshelves niya ay may pinto at pinakita naman niya sakin yun kagabi. Yun ang opisina niya kapag ayaw niyang bumaba. Parang maliit na meeting black table ang nasa gitna at hindi mabilang na black na upoan ang nakapaikot dito. May pinto sa kanan non at sabi niya yun ang main office niya kapag dinala niya ang meeting dito sa bahay niya.
Sa kanang bahagi ng TV ay ang pinto kung saan ako tumutuloy, ang guestroom. Amoy ng mabangong room ang kwartong yun pagpasok ko. Ang bed na may sobrang linis at mapuputing kumot, unan at bed sheet. Sa kaliwa non ay may maliit na walk in closet at walang laman na mga damit yun kaya sayang. Sa kanang bahagi ng kama na may katabing lamesa na pinatungan ng lampshade, white telephone, at blue na alarm clock ay ang cabinet na wala ring laman kaya naramdaman ko kung gaano ka-boring ang buhay ni Max kung hindi niya ako nakilala dahil dito pa lang sa guestroom niya ay wala ng buhay paano pa kaya siya? Sa kanan ng cabinet ay ang CR na may bathtub sa harap ng pinto at shower sa kaliwang side nito. Sa tabi ng pinto ay ang lababo kung saan may toothbrush, lotion para sa katawan at buhok, toothpaste, shampoo na malaki pero napansin ko na ang mga robe, towels at shampoo na binanggit ko ay may nakatatak na TBMC?
BINABASA MO ANG
TBMC #4 [Batch1]- Maxwell Fall
Romance"Na kung dalawa ang mahal mo ay piliin mo yung pangalawa? Dahil kung mahal mo naman talaga yung nauna edi dapat hindi ka na nagmahal pa ng iba? And you loving me even if that is just a second option is the best feeling ever. Kaya ngayong akin ka na...