Author's Note: May binago ako sa chapter 1 kaya sorry agad sa mga nakabasa na.
Bia POV:
Hindi ko mapigilang takpan ang ilong at bibig ko nang umabot sakin ang usok ng sigarilyo ni Max habang nakatalikod na may kalayuan siya sakin. Kinakausap niya si Director Velky para sakin dito sa likod at labas ng Shop ko dahil bawal sa loob ang paninigarilyo kahit pa na magkakilala pa kami.
Maxwell Fall is not my boyfriend neither my best friend nor Bruce's friends kasi boss siya nito.
He is my former suitor.
Nakita kong tinapon muna ng lalaki ang sigarilyo niya bago sinagot ang sinabi ng kausap. "Okay, tomorrow I'll bring her to your office." Sabi niya kay Director Velky. "I hope so this time this will be my chance to steal her."
"Maxwell." Saway ko agad sa kanya dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Or I guess I have to give up now. She's too faithful and in love, Isaac, its hard to steal..." Nilingon niya muna ako na may seryusong mukha bago tinuloy ang sinasabi niya sa kausap niya sa cellphone niya. "A woman like her. She's different."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Yes, former suitor ko si Maxwell last year. Hindi siya sumuko noon kahit na nalaman niya na may boyfriend ako at nakilala pa niya si Bruce, kahit na palagi kong inaamin sa kanya na mahal ko at hinding-hindi ko iiwan ang boyfriend ko pero siya palagi ang pinaglalabasan ko ng sama ng loob noon tungkol kay Bruce.
Pero bumalik siya sa Scotland nang magkagulo kaming apat, nang may best friend pa ako. Nauwi sa FO ang relasyon namin ng best friend ko nang nahuli namin sila noon.
Flashback...
Si Max ang nagpresitang ihatid ako nang magchat si Bruce na magkakaroon sila ng meeting sa opisina pero nang nasa daan na kami kung saan na may mga Club kaming nadaanan ay nakita ko sila pareho ni Ainess at Bruce na masayang pumapasok sa loob ng isang Bar.
"Max, stop the car. I need to check something." Sabi ko agad kay Maxwell.
Tinigil naman niya ang kotse saka inabot ang seatbelt ko para tanggalin yun bago niya nilingon ang buong paligid. "Here? In the Club, Bia?"
Pilit na ngiti ko siyang tiningnan. "You seems always coming in a place like this so you dont have to be surprise if I'll go inside to this kind of place too."
Pagkatapos ko sabihin yun ay nagmadali na akong lumabas ng kotse niya. Nagmamadali akong pumasok sa X Planet na pinasokan nila Bruce at Ainess pero napaatras din ako agad nang sumalubong sakin ang usok ng mga sigarilyo pero patakip pa lang ako sa bibig at ilong ko nang may naunang takpan ko ang ilong at bibig ko ng panyo niya.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo na sa kaliwa ko. "I know you have an asthma so you have to be careful coming in this kind of places."
'Thank you' sabi ko na lang sa isip ko para sa kanya dahil nakatakip sa ilong at bibig ko ang panyo niya.
"Where are we going?" Tanong pa niya sakin nang maingat kaming pumasok sa loob pero nakita ko din hindi katagalan ang dalawa na nag-iinum habang nag-uusap.
"There." Sagot ko kay Max at alam kong nakita na niya ang dalawa sa pagturo ko gamit ang panga ko.
Naglakad kami papunta sa pwesto ng dalawa na hindi kami napansin nang nakuha ng mga babaing andito ang atensyon nila dahil kay Max. Who wouldn't be? Kung hindi ko lang mahal si Bruce sinagot ko na si Maxwell. Napaka-hot at gwapo niya kahit na nagsusuot siya lagi ng leather black jacket at pants na sa loob ng jacket ay white or any color of t-shirts. Dahil sa paglingon ng mga babae samin ay nakuha rin namin sa wakas ang atensyon ng dalawa.
BINABASA MO ANG
TBMC #4 [Batch1]- Maxwell Fall
Romance"And you loving me even if that is just a second option is the best feeling ever. Kaya ngayong akin ka na? Papayag pa ba akong sayangin tong chance nato? Of course not kaya kung may darating man na kailangan mo nanamang pumili I will make sure na ma...
![TBMC #4 [Batch1]- Maxwell Fall](https://img.wattpad.com/cover/286104339-64-k859040.jpg)