Lesson #1

1.4K 21 1
                                    

Hello! Thankyou sa mga nagbabasa, sa mga messages na natatanggap ko dito. Mahal na mahal ko kayo readers! Sorry busy lang ako, kaya hindi nakakapag update. Pero susubukan ko. HUWAG UMASA, MASASAKTAN LANG Hehehe.



-Xoxo, ordineri.


-

Lesson #1



Huwag mo ng ipilit pa kung ayaw na talaga.



Kung ayaw huwag mo ng pilitin. Kung siya na mismo  ang nag desisyon huwag ka ng humabol pa. 



Minsan kasi dadating talaga sa point na maghihiwalay  kayo. Huwag kang mangamba dahil may matindi namang rason kaya kayo maghihiwalay. Minsan, maiisip mo na lang na "Bakit ganun?" mapapatanong ka sa isip mo kasi iisipin mo ginawa mo naman lahat pero ganito pa rin kinahantungan.



Ang layo ba?


Joke lang yan.


Pero huwag mo kasing pilitin. Lahat ng ipinipilit masama. Example sa panliligaw ng babae. Pipilitin mo na mapasagot siya tapos kapag umoo siya makikita mo sa mukha niya yung parang napilitan lang siya.


Sumagot siya ng Oo dahil naawa lang siya. Mga ganun, dahil pinilit mo nga hindi ba?


Isa pa, kapag naghiwalay naman kayo. Pipilitin mo na magkabalikan kayo e sa side naman niya. Ayaw na niya talaga. Lumuhod ka na, tumambling na. Inabot na ang bwan para sa kanya pero walang nangyari.



Naawa na naman siya kaya pumayag siya nakipagbalikan.



Kaakibat talaga ng pagpilit ang "awa".


Ang hirap at ang sakit no? Na pumayag lang siya dahil napilitan lang siya. Wala yung pagmamahal dun dahil naawa lang siya at hanggang dun lang.


Ganito na lang gawin mo. Ibigay mo yung kaya mo at ang best mo. Hanggang dun lang. Basic di ba?



Huwag na huwag kang magmamakaawa sa isang tao dahil hindi mo deserve yun. Huwag mong pilitin kung ayaw dahil hindi maganda ang resulta lalo sa pag ibig. Kung gusto niya? Edi go! 


Baka ang sarap sa pakiramdam na hindi siya napilitan lang hindi ba? Nandun yung love dahil gusto talaga niya. Ikaw? Mamahalin mo ba yung isang tao dahil napilitan ka lang? Dahil pogi/maganda siya kaya no Choice ka na?



Huwag ganun. Just go with the flow, pero wala akong sinabi na kahit mapilitan ka sumige ka lang. Para kang tatalon sa 100ft kasi napilitan ka lang. Plakda ang abot mo doon.


Ibigay mo yung best mo. Kung walang mangyari sige lang. Marami pang pagkakataon at hindi ka naman mauubusan nun.

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon