Age Gap.

1.7K 14 1
                                    

Author's Note:

Dedicated to Owwsic! Another great love story yung The ten years Gap! Read niyo guys. <3 Kung hindi niyo pa nababasa free to read these. (kaso medyo spoiler lang) pero slight lang! :D

-------

Age gap? 10 years or 15 years gap?

Its okay.

Kapag nagmahal ka.

Iba talaga nagagawa ng Love no? Lahat gagawin alang-alang lang sa mahal mo. No matter what happens and dito ngayon papasok yung nabasa kong story dito sa wattpad.

"A Ten Years Gap" by Owwsic.

Hindi ko ikkwento yung story i just want to share my thoughts here after kong matapos yung story.

10 years gap. Sampung taon na pagitan sa kanilang dalawa tapos magmamahalan? Kasi marami na akong alam sa mga love story. But ibang iba tong story na nabasa ko. Madami naman akong kilala na halos ilang taon yung pagitan ng edad nila but i don't know the story behind on that age gap.

Every chapter ng story is amazing, every words na mababasa mo is tagos talaga sa puso mo. Lalong lalo na si Cruzette kung paano niya nakilala si Paolo, and kung paano siya nabago ni Paolo. Ang sarap sa feeling kapag nagbago ka sa isang tao no? yung tipong akala mo wala ng makakapagpabago sayo pero biglang unexpectedly may dadating na taong hindi mo inaakala. Yung babaguhin ka. Hindi lang yun, mamahalin mo pa.

Hangang-hanga ako kay Paolo kasi kahit anong gawin ni Cruzette sa kanya, kahit anong pagsusungit niya dito hindi siya sumuko. Nanatili pa rin siya rito kahit na ganun ugali nito, kahit napaka mala demonyo ng ugali ni Cruzette at kahit na halos lahat ng tao nilalayuan siya because of her attidude. Pero nanatili pa rin sa kanya si Paolo whatever happens.

Ang sarap sa feeling ng may nagpapahalaga sayo ng sobra, kahit na ano mang edad niya. Yung po-protektahan ka niya sa lahat ng bagay yung tipong ipagtatanggol ka niya sa ibang tao. Na kahit na pinu-push mo siya palayo hindi ka niya iiwan, para bang kapag tinataboy mo siya palayo mas lumalapit at kumakapit pa rin siya sayo.

Hangang-hanga din ako kay Cruzette, why? She's a strong woman. Naging matatag siya sa lahat ng bagay, dito kasi rin niya pinatunayan na kahit anong meron kang bagay kahit na mayaman ka at lahat nasa sayo na, kapag wala yung Love na hinahanap mo. Walang kwenta ang mabuhay. That's why Paolo said na "Para kang snow, yet but beautiful." Yung atensyon na gusto niyang makuha sa magulang niya is si Paolo yung pumuna. Ang sarap lang talaga sa feeling, kung ako yung character at nage-exist ito in reality? Talagang ang sarap sa feeling.

Nagmahalan sila kahit na mahirap lang si Paolo. Tulad nila, naniniwala ako na wala sa estado ng buhay yan. Wala rin sa age gap. As long as mahal niyo ang isa't isa, wala ng hahadlang sa inyo. Pinapakita sa story nato yung pagiging matatag nila kung paano sila nagmahalan kahit na may 10 years gap sila.

Amazing right?

Yung every chapters aabangan mo talaga. Yun nga lang 10 chapters lang. Pero sulit na sulit talaga yung bawat chapters, maghanda ng tissue kapag binasa yung 10 years gap kasi talagang maiiyak ka sa twist ng story. Well i just want to share my thought after i read the story. Ang sarap kasi sa pakiramdam nung story nilang dalawa.

Nagpapatunay lang na love will find a way kapag kayo talaga. Kung tinadhana talaga kayo? walang hahadlang kung may age gap kayo sa isa't-isa. Lahat tayo may sariling great love. Mararanasan din natin yung feeling kung paano mahalin, paano ipaglaban ng taong dadating sa atin.

So, age doesn't matter, what matters most is how you age and how you spend the time in between.

Age does not protect you from love. But love, to some extent, protects you from age.

So guys basahin niyo ha? Nasa media yung cover nung story ni Owwsic, and para malaman niyo yung great ending.

-----

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon