How*Paano.

2.8K 21 4
                                    

Hi there! ♥

------

Paano nga ba malalaman kapag nagmamahal ka na? 


Eto ba yung titibok yung puso mo kapag nakita mo na siya? Aba, hindi. Syempre tumitibok puso natin literally. Magtaka ka na lang kapag hindi na ito tumibok, doon ka matakot. 

Balik tayo sa reyalidad kaibigan. Ikaw mismo makakaalam kung umiibig ka na nga ba. Alam mo ba yung butterflies? Yung bang pag-gising mo siya agad pumapasok sa isip mo. Yung bang, ngumiti ka mag-isa dahil naiisip mo yung mga ginagawa niya sa tuwing pinapatawa ka niya. Yung bang, wala ka ng nararamdaman na lungkot. Isang salita. Masaya ka. 

Alam mo naman yung masaya hindi ba? Para sa akin ganun. Nagmamahal ka kaibigan, kaakibat na niyan yung salitang masaya. Kaso wag sosobra ha? Nakakatakot kasi. Baka mahalin mo ng sobra. Alam mo naman ang sobra. Nakakasama.

Kaya ingat-ingat din! Huwag puro saya, isiping mabuti kung mahal mo na nga ba siya. isipin mo kung kaya mo ba na wala siya sa isang araw? Yung bang kaya mo ba na wala yung existence niya ng isang araw? Aba kung hindi naman, pagisipan mo pa din.

Iba kasi ang MAHAL SA GUSTO.

Ang gusto, kasi. Baka attracted ka lang.

Ang mahal, you can live without him/her.

Ang mahal, hindi ka mapakali. Hindi mo na maintindihan kumbaga yung nararamdaman mo. Kahit anong basa mong quotes mga hugot hindi mo pa din ma-explain yung nararamdaman mo sa kanya. Masaya ka. 

Masarap magmahal. Masarap makaramdam niyan friend! Ang swerte mo kung naramdaman mo na nagmamahal ka na. 

Ipikit mo ang mga mata mo at isipin siya, kapag napangiti ka. Congrats Kaibigan!

Nagmamahal ka na. 

Payong pag-ibig ni: Ordineri ♥

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon