Falling apart.

869 15 0
                                    

Falling apart.

Kapag nahuhulog ka na hindi mo alam kung gaano kataas yung kababagsakan mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit yung pagbagsak mo.

Hindi mo rin alam kung may sasalo sayo.

Ang hirap kapag nahuhulog na lahat ng bagay na nanatili sayo ng matagal, yung mga bagay na nakasanayan mo biglang mawawala na lang. Tapos wala ka na lang magawa kung hindi tumitig na lang sa kawalan habang nawawala lahat ng yun. Hirap hindi ba?

Kung pwede nga lang na ikaw na lang mismo sumalo sa sarili mo kapag nahulog eh. Na kapag nasalo mo yung sarili mo hindi ka masasaktan. Pero wala. Lahat na ng bagay nahuhulog na at dumadaplis na sa mga kamay mo. Yung tipo bang wala ka na lang magawa dahil sila na mismo ang bumibitaw.

Lagi mong nasasabi na lahat naman ginawa ko hindi ba?

Tapos wala ka na lang magagawa kung hindi umiyak tapos itanong na lang na bakit isa-isa silang umaalis sa tabi mo. Inalagaan mo naman pero nawawala na lang sila bigla. Ang mahirap pa nun eh yung sinanay ka nila na nandyan sila parati kaya ngayon nahihirapan ka dahil hindi mo alam kung paano maga-adjust. Kasi nga nasanay ka na hindi ba?

Ayaw mo sila mawala in the first place dahil pinahalagahan mo sila ng sobra. Time,effort lahat ginawa mo to make them stay. Pero nagagawa ka pa rin nilang iwan. 

Ganyan naman kasi eh yung para bang lahat naman ginagawa mo pero naiiwanan ka pa rin sa huli. Kaya minsan kapag iniiwan ka nila sa dulo nagagawa mo pa rin silang habulin. Bakit? Kasi ayaw mo silang mawala sa tabi mo.

Pero once na hinabol mo naman sila mas bibilisan naman nila yung takbo palayo sayo. 

Kaya in the end hindi mo sila mahahabol. Kung gusto ka niyang manatili sayo hindi yan magpapahabol. Hindi rin tatakbo palayo sayo yan dahil alam niyang nakakapagod yun.


But fate was such a bitch. Yung mas pinapahalagahan mo? yun pa yung lumalayo at lalayo sa tabi mo. Syempre sobrang sakit nun. Kasi "iba" yun eh pinahalagahan mo ng sobra. Importante sayo yung tao na yun kaya kakaiba yung sakit na mararamdaman mo kapag lumayo sayo yung taong yun.

But be strong enough. Everything is falling apart. Be brave.

Kaya mo yan! hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na okay lang yan dahil hindi ko alam yung pain na nararanasan mo today or sa susunod na mga araw. Pero lagi mong tandaan na pagsubok lang yan. 

Hopeless? Depress? In pain? No one can talk to?

Just pray. *smile* kung sa tingin mo e' korni hindi totoo yun. Pinaka malakas na armor ata yan sa lahat. Huwag kang mag-alinlangan na lumapit sa kanya. 

Maging matatag ka. Sa umpisa lang yan. Siguro gusto niyang may matutunan ka pang lessons pero in the painful way nga lang.

When everything is falling apart..

Just hold on.

To him :) 


---


Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon