Kaibigan o ka-IBIGAN?

2K 20 4
                                    

"Kapag mahal mo ang isang tao, wala nang kasi kasi, wala nang pero pero."

Sabi nila mahirap daw sa isang nagmamahal yung mahalin mo yung kaibigan mo. Mahalin as in LOVE magkaiba kasi yung pagmamahal na as in FRIENDS. Bakit nga ba nahuhulog yung iba sa kaibigan lang turing sa kanila? Kasi umaasa sila sa mga actions na ginagawa, dahil sa mga sweet words nito nabibigyan tuloy nila ng meaning kahit FRIENDS lang turing sa kanila. Dipende din kasi minsan din sa actions na pinapakita eh, siguro alam naman natin kung ano yung nagbibigay ng motibo sa hindi di ba?

Wala na daw pero pero kapag mahal mo, wala na daw kasi kasi. Minsan ng dahil sa kataga na yun doon tayo nasasaktan. Hindi naman masama sumubok tulad ng sinasabi ko sa ibang advices but pumili ka mabuti.Pag isipan. Be matured sa lahat ng bagay. Kailangan ng matalinong pagde-desisyon para hindi masaktan. Sa mga tao namang sinusubukan pa rin kahit na alam nilang masasaktan sila saludo ako sa inyo. 

Mahirap magpretend na hindi ka affected.

Lalo na siguro kapag nag umpisa ng masaktan. Okay lang na mahalin mo yung kaibigan mo i mean mahalin mo ng more than friends kahit palihim okay lang kung saan ka sasaya. Minsan kasi yung iba, ayaw nilang umamin kasi isang bagay lang yung pino-protektahan nila. Yung FRIENDSHIP na meron sila kasi yun na lang meron sila eh. May sitwasyon kasi na kapag umamin sila, 80% na pwedeng lumayo yung pinag aminan nila. Aba syempre! Ikaw ba naman umamin talagang malaki yung porsyento na lalayo yung tao na pinag aminan mo. May iba namang hindi lumalayo kapag sinabi na mahal na sila. Minsan kasi....

Mutual feelings. 

Parehas na sila ng nararamdaman. Aba, kapag ganito sitwasyon mo! *sabog confetti* ang sarap sa pakiramdam na parehas kayo. Aba, ang laki ng chance na umabot kayo sa gusto mong UMABOT. Congrats! Kaso may part naman na..

Pwede kiligin, pero bawal umasa.

Yung masaya nga kayong dalawa, siya masaya sa iba. Ikaw sa kanya. Ang saya hindi ba? Ang saya mo sa mga ngiti niya kasi kapag magkasama kayong dalawa sa tingin mo iba yung mga ngiti niya dahil sa sinasabi niya. Ikaw naman napapatitig na lang sa kanya tapos sasabihin niya,

"Ang ganda ni *insert name here*" 

Mawawala na lang yung ngiti mo kasabay na mapapasabi ka na lang ng, "Hey, you belong with me."

Talagang ang hirap ma inlove no? Hassle na nga masaktan, hassle pa din ma inlove. 

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon