Lesson #3

876 22 2
                                    


Para sa broken hearted.

Masakit maiwan no? Na para bang itinaas ka hanggang ere tapos sasabihin na sasaluhin ka sa ibaba and then hindi pala niya gagawin. In short umasa ka sa mga salita niya. Umasa ka sa mga pangako niya kaya nung umasa ka at nahulog anong nangyari? Ang sama ng pagkabagsak mo ano? Ang sakit. Para kang lasog lasog na laman loob.

Parang nagkalat lahat ng laman loob mo. Parang puso..

Nawasak. Nahulog sa sa kung saan yung ibang parte. 

Iniwan ka niya kasi sabi niya "sasaluhin naman kita." Isang malaking kagaguhan.

Masakit din yung biglaan no? Bigla kang iiwanan. 

Maniniwala ka sa lahat. Akala mo okay na, dahil okay naman talaga. Masaya kayo parehas na walang pino-problema. Pero in the end bigla ka niyang iiwan. 

Biglang manlalamig.

Biglang magbabago.

Ang sakit nung part na yun. Hindi mo tuloy alam gagawin mo dahil alam mo na "OKAY" kayo. Na wala kayong problema. Minsan kasi hindi naman sa relasyon niyo laging nandun yung "problema" eh. Minsan nasa isa't-isa. Dipende na lang kung si babae o si lalaki ang may problema.

Na yung isa may gusto na pa lang iba hindi man lang sinasabi sa partner niya. 

Yung isa naman nagsasawa na ayaw pang sabihin.

See? Ang huli hahantong sa "hiwalayan." Wala sa taon ang dapat panghinayangan jan minsan. Aanhin mo yung taon kung puro away? Eh paano yung months lang pero kapag nagmahalan daig pa yung mga taunang relasyon? 

Ang sakit marining yung salitang "ayaw ko na." no? Ang sakit tanggapin dahil sa kanya mismo nanggaling. Sa mahal mo pang tao. Mapapatanong ka tuloy sa sarili mo na "Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko?" "Kulang pa ba?"

Sobra pa nga eh.

Pero wala kang magagawa kasi siya na mismo nagsabi. Pero dahil sa pagmamahal mo sa kanya humabol ka.

Hinabol mo pang gaga ka.

Anong nangyari?

Nasaktan ka lalo.

Kasi pinagsisiksikan mo sarili mo eh. Sinabi na ngang ayaw na niya ipinipilit mo pa yung gusto mo. Kasi iniisip mo na maayos pa? Na kaya pang mag work dahil may gusto ka lang malaman kung bakit nakipag-break siya? Seryoso? Gusto mo pa malaman?

Malay mo may iba ng nagpapasaya sa kanya. May iba ng rason kung bakit siya ngumingiti. May tao ng nagmamahal sa kanya na higit pa sa pagmamahal mo. 

Ang sakit malaman yung totoo hindi ba? Isang malaking sampal kaya ayaw mo ng mabasa o marinig kahit kanino. Maiiyak ka tapos lulungkot dahil ang hirap mag move on. 

Hindi mo alam kung saan mag uumpisa dahil umaasa ka pa.

Kung aangal ka kasi nasasaktan ka. Isa kang malaking TANGA. Ilang beses ng sinabi sayo na kapag nagmahal ka dapat handa ka masaktan. Hindi lagi masaya. Hindi laging yung gusto mo ay mapupunta sayo. You need to sacrifice everything. At lahat yung magiging worth it kapag naghintay ka sa tamang panahon.

Minsan kasi kaya nasasaktan tayo wala pa sa "tamang panahon."  Masyado kasi tayong curious kasi feel mo yung mga nakikita mong relationship goals lahat masaya. Pakiramdam mo tuloy ang saya siguro magmahal.

Oo sa una.

Pero yung iba hanggang una na lang. And in the end masasaktan ka. Pero ang swerte mo kung unang sabak mo pa lang sa pagmamahal jackpot ka agad. Nahanap mo agad yung taong para sayo dahil naghintay ka. Dapat lang naman kasi maghintay. Dapat dahan-dahan na proseso para hindi masakit.

Kung broken hearted ka dahil sa ibang dahilan? Hayaan mo hihilum din yan. Not today but tomorrow. Hirap masaktan no? Hindi mo tuloy alam kung paano ulit babangon sa sakit. Minsan hinihiling mo  na lang na sana magkaroon ka ng amnesia para makalimutan lahat. Kaya minsan itutulog at iiyak ka na lang. 

Yaan mo, magiging okay rin lahat. Ipag-pray mo yung nararamdaman mo kay Lord. And he will help you. Just trust him.

Xx-ordineri.





Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon