Ang Mag-assume. TALO.

3.9K 24 5
                                    

Sweet siya sayo?
Parang kayo pero hindi?
Magkasama kayo lagi?
May callsign kayo sa isa't-isa?
Wala siyang lovelife?
Every little thing he/she do kinikilig ka?
Eh ang kaso...

kaibigan lang daw kayo.

Pero hanggang dun lang.

Kaya mo bang maglaro? Pero ang mag assume talo. ;)

Naranasan mo na bang pahalagahan yung isang tao dahil pinapakita niya na mahalaga siya sayo? Nakilala mo siya accidentally. Pero that time, hindi mo siya pinansin kasi para saan pa hindi ba? Pero sadyang makulit ang tadhana. Nakilala mo siya dahil siya mismo ang nagbigay ng daan para makilala niyo ang isa't isa. Wala namang masama kung magkakakilala kayo hindi ba? Wala namang mawawala.

One week mo sa college st kinuha niya number mo noon. Swerte mo noon, dahil kaklase mo siya. At isa siya sa matatalino sa klase niyo. At nang dahil sa pagkuha niya ng number mo. Doon pa kayo nagkakilala ng lubos.

Pag nagkakasalubong kayo, inaasar ka niya. Ikaw naman nag me-make face kapag sinusundot niya pa yung tagiliran mo. Sweet right? Pero ano pa ba mas si-sweet sa lahat ng ginawa niya?

Hindi ka pumasok isang araw dahil may sakit ka. Pero nagulat ka na lang at pinuntahan ka pa niya sa bahay niyo para malaman kung ano kalagayan mo. Makikita mo sa mga mata niya ang bahid ng pag-aalala. Takot at higit sa lahat yung sa mata niya na talagang nagaalala siya sayo.

Ngunit hindi mo pinansin yun. Aba malamang, kaibigan lang nga. Kaibigan na nga lang ba?

Lagi na kayong magkasama. Sa tuwing lunch break, magkatabi kayo ng upuan. Hindi maubusan ng kwento sa isa't isa. Sa tuwing may exams, pag wala kang note sa isang subject pinapahiram ka niya para may maisulat ka. Ano pa ba ang isang rason para hindi mo maiwasang hindi mahulog sa kanya?

Umiyak ka isang araw dahil nabagsak mo ang isang quiz sa isang subject. Hindi lang naman ito basta subject, major pa kamo. Pero nagulat ka na lang sa ginawa niya at niyakap ka niya. At sinabing " Yun lang naman yun eh! Hayaan mo, susunod magre-review tayo para makapasa ka next time. Ok?"

At sa nangyari na yon. Nahulog ka na nga ng tuluyan sa kanya. Sa mga pinapakita niyang pagaalala sayo. Lahat yun noong una hindi mo pinansin. Pero sadyang ang kulit talaga niya, mas sinadya niyang maging sweet at higit sa lahat pakiramdam mo may gusto na siya sayo dahil sa pinapakita niya.

Dumating ang oras na hindi mo na mapigilan yung nararamdaman mo at nag confess ka na ng nararamdaman sa kanya. Korni hindi ba? Excited ka, lalo na dahik gusto mo ding malaman ang totoo niyang nararamdaman sayo.

Pero ng umamin ka sa kanya. Bigla siyang nanlamig. Iniwasan ka niya, iniwasan ka niya ng hindi mo alam ang rason kung bakit. Masama bang umamin? Hindi mo maiwasang itanong sa sarili mo. Dahil simula ng umamin ka sa kanya, hindi na siya tulad noon. Hindi na siya tulad ng dati.

Uwian niyo na at papunta ka na sa gate. Sa di kalayuan, natanaw mo siya na may kasamang iba, at kayakap. Narinig mo pa nga yung sinabi niya na.

" Ok lang yan! Exam lang yan, review tayo next time ha? Huwag ka na umiyak."

Halos naiyak ka dahil sa mga salitang binigkas niya. Hindi ba't sinabi niya rin sa iyo iyon? Nagulat ka dahil hindi lang ikaw yung tinatrato niyang ganun, kung hindi may iba pang babae na umaasa tulad mo.

Busy ka kasi masyado eh. Busy sa pagiging assumera, busy sa pag-eexpect. Hindi ka muna nag-isip. Inisip mo agad na may feelings siya sayo dahil sa mga ina-act niya this past few months sayo. Caring,sweet,efforts? Damn that actions!

So, wala kang nagawa kung hindi nasaktan ka lang sa huli. Wala eh, ginagawa niya din pala sa iba yung ginagawa niya sayo. Aba, sweet siya sayo sweet siya sa iba? Anong dessert siya? Crema de put@?

Advice:

Masama din minsan mag-expect ng sobra. Lalo na kapag hindi mo pa talaga alam yung totoong nararamdamab niya. May mga tao talagang in-born na malambing. Kaya para hindi tayo masaktan. Huwag mag-expect, less assume, less hurt. Makisakay ka lang sa lahat ng ginagawa niya, mahirap na kasi eh. Baka mag-assume ka sa laro na yun. Baka matalo ka pa. ;)

by: yourOrdineriGirl

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon