Lesson #8

742 14 10
                                    


Paano ba magmove on?

-requested.

Kapag may taong nasaktan o iniwan ang dali nating sabihin sa kanila na "Okay lang yan, move on ka na lang." pero minsan sumagi ba sa isip mo na kapag ikaw ang nasa posisyon niya makakayanan mo kaya? Makakayanan mo kaya na mag move on?

Kapag kasi wala na o kaya naman iniwan ka na tama na. Pero kaya tayo nasasaktan minsan kasi umaasa pa tayo eh, umaasa pa na meron pa. Lagi tuloy tanong "paano ba kasi magmove on?"

Madali lang naman yan kung gugustuhin mo raw sabi ng iba. Pero alam mo yung mahirap? yung nararamdaman mo pa para sa kanya. Kahit kasi sinaktan ka o iniwan nandun pa rin yung feelings eh. Nandun pa rin yung pagmamahal. Lalo na't kapag nagmu-move on ka? Ang hirap alisin ng feelings. Sabihin na nating masaya ka ngayon pero naitanong mo ba sa sarili mo kung mahal mo pa ba siya?

Syempre masaya ka dahil kasama mo mga kaibigan mo, pero at the end of the day iniisip mo pa rin siya. Umiiyak ka pa rin. Nami-miss mo pa rin siya. Normal lang yun dahil kasama naman sa pagmu-move on ang pagka miss mo sa isang tao.

Paano nga ba?

Acceptance lang talaga. Kung iniwan ka at nakita mo siya sa bago niyang girlfriend/boyfriend, hayaan mo na. Normal lang din naman yung makaramdam ka ng pagkainis dahil nga pinagpalit ka sa iba. Sa umpisa lang din naman yun lalo na kapag nagkikita kayo palagi? Lalo na't kapag nakikita mo sila palagi, i told you ikaw lang din mapapagod.

Mapapagod ka kasi palagi kang malungkot. Lagi kang may tanong sa sarili mo na "Bakit may bago na siya agad?" "Paano naging sila?" mga ganung tanong.

Pero hangga't maari kasi iwasan mong mag isip ng mga ganung bagay. Mas lalo ka kasing mada-down. Umiyak ka, pero sana naman huwag gabi-gabi. Sobrang nakakapagod yun. Kapag nakita mo naman ulit silang dalawa muli pigilan mo yung sarili mong umiyak lalo na sa public place. Kumalma ka at tumingin sa ibang direksyon, wag na wag mo silang tititigan hangga't maari dahil masasaktan ka lalo.

Maglakad ka ng diretso at ngumiti. Huwag mo ipapakita sa kanya na malungkot ka dahil iniwan ka niya. May mga tao kasing mas inaasar ka lalo kapag nakikita kang ganun eh. Tulungan mo yung sarili mo.

Huwag mo tanungin yung sarili mo ng "Saan ako nagkamali?" kahit alam mo namang walang mali sayo. Siya ang nagkamali kaya wag na wag mong sisisihin sarili mo.

Paano nga ba?

Unchain your heart thats holding on. Let go. Mahirap pero kailangan. Kailangan mong mag step forward sa mga nangyari. Siya na bumitaw pero hahabol ka pa ba?

Oo ikaw bahala, pero huwag so-sobra. Lalo na kapag mukha ka ng tanga. Enough na kung ayaw din namang magpa-habol.

Focus ka sa mga MAS importanteng bagay. MAS pag tuunan mo ng pansin yung mga nabaliwala mo noong kayo pa. Mag umpisa ka na ng mas maaga kasi gusto mo bang makulong sa kanya ng matagal na panahon? Para bang malulungkot ka araw-araw dahil sa kanya? Ako sa sarili ko? Hindi ko ma-imagine yung ganung sitwasyon.

Tignan mo yung sarili mo. Papayag ka ba ng ganun? Payag ka ba na siya naka-move on na nga agad at meron ng iba? Dapat hindi ka papayag. Hindi ko sinasabi na maghanap ka ng iba. Iniwan ka niya hindi ba? Umpisahan mo naman ng mahalin yung nasa paligid mo lalo na yung sarili mo.

Ibahin mo yung mga dapat ibahin sayo para sa ikaka-grow mo. Mag-move on ka, makinig ka rin minsan sa sinasabi ng nasa paligid mo. Para sayo rin naman lahat ng yun eh. Siguro ngayon nalulungkot ka pa pero sasabihin ko sayo na hindi naman pang habang buhay na ganyan.

Kasi habang malungkot ka, maraming opportunity yung dumadaplis sayo. Start now and smile.

Stop regretting.

Simulan mo na.

Marami mang naga-advice sayo pero sa huli desisyon mo pa rin ang mananaig. Gusto mo pa bang malungkot ng matagal? O mag move on at bigyan ng chance yung sarili mo maging masaya?

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon