TIME machine.

2.5K 19 0
                                    

Maibabalik pa ba ang nakaraan kung ikaw mismo ang nang-iwan sa kanya?

Maibabalik mo pa ba kung ikaw mismo ang sumuko sa kanya?

Napagtanto mo ngayon na mahal mo siya, na sa paglipas ng mga araw siya na iniisip mo. Nagsisisi ka na iniwan mo siya. Gusto mo ngayon bumalik sa piling niya pero paano? Maraming tanong ngayon yung bumabagabag sa isip mo.

Kung tatanggapin ka ba niya ulit.

Paano kapag hindi?

Paano kapag hindi na niya ko mahal?

Ano gagawin ko?

Mga tanong na nahihirapan ka bigyan ng sagot. Mahirap na kasi yung ganitong sitwasyon. Syempre ikaw nga mismo unang nang-iwan tapos ngayong na-realize mo na lahat ng bagay, ngayon nagsisisi ka na kung bakit iniwan mo siya. Ganyan naman kasi lahat ng tao eh, kung kailan huli na lahat tsaka pa mare-realize na mahal pa nila, na hindi nila kayang mawala yung tao na yun.

Mahirap kasi kung ikaw mismo ikaw unang bumitaw from the start. Mas masaklap pa kung dahil sa ginawa mo nasaktan yung taong iniwan mo. Ikaw ba naman iwan hindi ka masasaktan?

Sa mundong to, walang permanente. Happy ending? Look, my Ending pa din. Lahat nagbabago mabuti mang paraan o masama. Dipende ulit yan sa sitwasyon. Kung klima nga nagbabago tao pa kaya? Maaring magbago yung taong binitawan mo, maaring hindi naman. Kasi naniniwala ako na maating magbabago ang isang tao kapag nasaktan.

Kapag nasaktan nagbabago, always remember that. Magbabago ka sa ikabubuti mo kaya nga tayo nasasaktan dahil kailangan matuto. Dahil sa lesson na yun maari tayong magbago. Maaring maging matalino, para sa susunod hindi na ulit mangyayari yun.

"if could go back in time promise we wont say goodbye."

Kaya nga may salita tayong "APPRECIATION" appreciate all things, maliit o malaki na bagay. Ngumiti kasama yung taong nagpapaligaya sayo. Cherish every moment. Dahil may salita mang time machine, wala ng makina ngayon na makakabalik ka pa sa oras na gusto mo baguhin. Walang time machine na dadalhin ka sa mga oras na bumitaw ka sa kanya.

So, maging matalino sa pag dedesisyon. Huwag mag decide ng galit, kung nasa sitwasyon ka naman na ganun huminga ka lang ng malalim. Pakalmahin ang sarili. Dahil mas maganda na kalma ka magdesisyon para in the end hindi ka magsisisi. Kapag bibitaw ka sa isang bagay....

Isipin mo kung ano yung pinanghawakan mo ng matagal kung bibitawan mo lang lahat ng yun. But if you decide right? Never regret your decisions, every mistake makes you smarter and stronger.

- Ordineri. 

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon