Katanungan #2

224 4 0
                                    


Mahal mo o mahal ka? 


Madaling sagutin kung may mahal ka naman talaga pero mahirap sagutin kapag tumitibok pa yung puso mo sa iba. 


Kung mahal mo, 

Dahil syempre mahal mo ikaw lahat ang nagbibigay. 50/50 kumbaga 80% pwedeng ikaw lang ang nagmamahal sa kanya at siya walang nararamdaman sayo. Masakit man pero yun yung reyalidad. Pwedeng ikaw lang ang magmamahal at siya ayun, steady lang. Ikaw ang nag eeffort pero siya eto take lang ng take. Mahal mo syempre at ikaw lang yung may feelings sa kanya. Kung tatanungin mo ako kung pwede ba yung mamahalin ka niya pabalik? Well, swerte mo kung mamahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Yung tipo bang sumasalamin din yung pagmamahal mo sa kanya. Sarap sa pakiramdam nun.

Pero hindi lahat naibabalik sayo. Hindi kasi pwede na kapag nagmahal ka ganun din ipapakita sayo eh. Its win or lose anyway. Kaya magmahal ka ng taong worth it. Yung kapag minahal mo siya e mamahalin ka rin pabalik. Mahirap magbaka sakali kapag pag ibig na pinag uusapan eh. Kaya piliin mo yung taong worth it at deserve lahat ng bagay. Kasi at the end of story ikaw lang masasaktan.

Kung mahal ka,

Syempre ikaw naman yung sure na panalo dito. Wala ka pang ginagawa pero may taong sobra kang pinapahalagahan. Yung mahal na mahal ka at masarap sa pakiramdam yun. Yung nage-effort sayo ng walang kapalit. Kasi nga mahalaga ka sa taong yun. May pakiramdam. Pero yun nga lang, hindi mo naman siya mahal. Siya mahal ka. Ikaw lang steady lang. Walang pake or should I say wala lang?

Pwedeng ganun. Di mo siya kayang mahalin pabalik dahil may mahal kang iba.


Lagi namang ganyan sitwasyon. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo mahal. Kaya uso palagi ang baka sakali. Baka sakali na mahal niya rin ako. Baka sakali na hindi ako masasaktan.

Piliin mo yung deserve ng pagba-baka sakali mo. 

Dahil hindi lahat ng tao bibigyan mo nun. Isang tao lang na after all the pain na naramdaman mo sa kanya eh masasabi mo na worth it yung pagba-baka sakali mo sa kanya. 

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon