RELATIONSHIP GOALS.

1.8K 22 2
                                    

Uh, wait. Hahaha! Sobra akong natutuwa ngayon araw. Halos weeks na akong walang update dito pero pagtingin ko nasa 392k reads na to. Ilang months pa lang din to pero.. Hahaha! Anyway guys, salamat ulit sa mga walang sawang nagme-message sa akin dito sa wattpad. Sana nakatulong yung mga advice ko. Dedicate this chapter para sa mga tumatangkilik ng gawa ko! I love you guys! <3

-xoxo.

Relationship goals.

May partner ka ba? Yung tipong kasama mo sa lahat ng bagay. Sa lahat ng kasiyahan mo. Yung tipong kapag tinitignan mo eh wala ka ng hihilingin pa?

Huwag kang bitter.

Magkakaroon ka rin.

Pero heto na nga.

Ang sarap sa feeling no? Hindi mo alam pero napapangiti ka na lang bigla sa tuwing naalala mo yung mga ginagawa niyong ka-kornihan. Yung maiintindihan ka sa lahat ng bagay kahit na may moodswing ka minsan. Kahit na kapag naiinis ka sa kanya niyayakap ka lang niya. O kaya kapag may problema ka hindi siya titigil kakasuyo sayo mawala lang yung lungkot mo.

Yung taong sasamahan ka sa lahat ng ka-dramahan mo, hindi yung hinahayaan ka lang kapag galit ka. Yung kahit na pagod na, mas nagpupursige lang siya makita ka lang na masaya. Makita mo lang na siya ang taong karapat-dapat sayo.

Yung taong pinapakita na mahal ka, hindi yung puro salita lang. Hindi yung hinahayaan lang humaba yung away niyo. Siya na mismo ang unang manghihingi ng tawad kahit hindi naman niya kasalanan.


Relationship Goals ba kamo?

Magkakaroon ka rin ng mga bagay na gagawin "niyo" kasama ng taong mahal mo. Yung hindi kayo mahihiya sa isa't-isa kahit na tumambling kayo parehas kahit na sabay man kayo mamatay. HAHA. Joke only.

Pero ang sarap sa pakiramdam no? Yung kaya ka niyang intindihin sa lahat ng bagay. Hindi lang girlfriend/boyfriend trato niya sayo. Yung kaya ka niyang irespeto at ipagmalaki sa lahat ng bagay. Yung trato niya sayo? Isa kang magandang bagay na nangyari sa buhay niya.

Kaya kung meron ka mang partner sa lahat ng bagay, yung mahal ka. Huwag mo ng pakawalan pa kasi nandyan na yan eh. Just open up your eyes dude. Yes, nagtatampo ka man sa kanya pero please. Those fights is not important. Mas isipin mo lahat ng memories na meron kayo. Kung lamang man yung bad memories, mag isip ka pa.

Isa yan sa tip para mapatibay ang relasyon. Isipin mo lahat ng bagay na nakapagpatibay sa inyong dalawa. Okay?

At ikaw!

Oo ikaw na walang lovelife na nagbabasa nito.

Huwag ma-sad okay? Ano naman kung yung ibang nagbabasa nito may lovelife at ikaw eh wala?

Dont be sad.

Dadating yan.

In right time and right place. Just save yourself and get ready kapag dumating siya. Atleast nabigyan kita ng tip hindi ba?

At sa mga may lovelife o wala man. Watch niyo yung nasa media swear mamo-motivate kayo. Smile okay?



——finish

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon