Lesson #2

1K 11 2
                                    


Para sa long distance.

Ingatan at iwasang matamaan ang relasyon lalo na kapag long distance. Awkward at mahirap na ipagpatuloy kapag nawala ang sparks at chemistry. Hindi kasi katulad ng kapag magkasama kayo, mayayakap mo siya o di kaya madali mo siyang suyuin at malalambing mo sa personal. Pero depende sa sitwasyon at depende naman sa babaw at lalim ng sitwasyon. Kaya iwasan din yung pag aaway pa minsan minsan. Oo, nandun na tayo sa hindi maiiwasan yun. Pero kailangan mo ring habaan ang pasensya at tanggalin ang hinala.


Napaka hirap ng Long Distance relationship. Nasa sa inyo kung gusto niyo mag work o hayaan na lang yung tadhana na gumana ang sparks niyo. Paano tumibay kahit magkalayo? Magtulungan kayong dalawa.


Take the consequences of your actions. Gusto niyo yan na kahit magkalayo kayo eh kayo pa rin. Huwag mangamba at mag isip na hindi magwo-work kapag magkalayo. Kung kaya mong tiisin at kung mahal mo siya bakit hindi di ba? Di lahat ng long distance nauuwi sa hiwalayan. Yung iba, ipinaglalaban talaga yung inumpisahan nila at yung pangako nila sa isa't isa. Hindi hadlang ang ilang libong kilo metro dahil nga kung mahal niyo ang isa't isa. Walang hahadlang.

Siguro kaya nauuwi sa hiwalayan yung iba dahil hindi na nila kaya. Kasi nga, hindi biro yung ganoong relasyon. Yung tipong skype at yahoo na lang gamit niyo para makapag usap. Tapos text na lang din. Paano kung walang internet? Paano naman din kung walang load? Ang hirap hindi ba? Kaya huwag ka din manghusga at sasabihing walang nagtatagal sa long distance relatiopnship. Kasi nga mahirap, hindi biro ang pinagdadaanan.

Sa mga may ganitong sitwasyon? Play the media. Makakatulong yan. Huwag ka mawalan ng pag asa. Magkikita rin kayo sa tamang panahon. Mag tiyaga ka. Siya yung gawin mong inspirasyon sa lahat ng bagay. Kung may tampuhan man kayo ngayon at may pagsubok na dumating? Hayaan mo, magiging okay rin lahat. Habaan mo yung pasensya mo at kahit magkalayo kayo mas mahalin mo pa siya ng tunay at totoo. Hindi yung malayo siya, maghahanap ka ng iba.


Kung may away man hindi rason ang maghanap ng iba. Masakit yun. Isipin mo rin yung pwede niyang maramdaman. Kung ayaw mong gawin sayo, huwag mo ding gagawin sa kanya aright? Isang araw, kapag nagkita na kayo. Mayayakap mo na siya. Hindi na litrato tinitignan mo kung hindi siya na mismo. Hindi na yung monitor ang nakakausap mo kung hindi siya na talaga mismo.


Maging postibo lang. Kaya mo yan, kayo niyo yan. Okay?


STAY STRONG! :)




- ordineri

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon