Lesson #4

701 12 1
                                    

Nakakasawa na no?

Yung wala ka namang ginawa kung hindi magmahal pero nagawa ka pa rin niyang iwanan. Nagawa ka pa rin niyang iwanan na para bang wala na siyang pake kung masasaktan ka ba. 

Tulala ka tuloy. Hindi mo kasi alam kung paano magsisimula ulit. Hindi ka pa nga din makapaniwala na "wala na." na hindi na kayo. Syempre nasanay ka sa mga bagay- bagay na lagi niyong ginagawa. Ang sakit hindi ba? Pero hindi. Walang salita ang makakapag-explain kung gaano kasakit.

Sapat naman lahat ng ginawa mo. Lahat ginawa mo para mapa-ngiti siya pero nagawa niya pang tumingin sa iba. Ginawa mo na lahat dahil yun ang nararapat pero nagawa ka pa rin niyang paiyakin.

Mapapatanong ka na naman ng "Hindi na ba niya ako mahal?" Siguro masasagot naman yan ng sarili mo eh. Mismong ikaw. Kapag wala na siyang ginagawa para sayo at wala ng pake-alam.

Lahat ng effort ginagawa mo bumalik lang siya at siya naman wala ng balak tumingin sayo. Umaasa ka pa din sa salitang "SANA" ganito ganyan. Pero sa tingin mo ba makakatulong yan? Sinasaktan mo lang sarili mo.Hindi naman kasi porket mahal mo eh lahat gagawin mo para sa kanya.

Paano kapag sobra na ginagawa mo pero binabaliwala ka lang niya? Sa tingin mo ba deserve ng sarili mo yan? No. Hindi mo deserve.

Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya nakakalimutan mo na sarili mo. Kinakain ka na ng kalungkutan. Binabalot ka na ng sakit na nararamdaman mo. Wala ka ng gana sa lahat. Wala ka ng balak kumain. Lahat hindi na gumagana.

I know. All you want is yung bumalik siya. Pero paano kung wala na? Paano kung ayaw na nga niya? Tumigil ka na. Alam kong masakit pero ano ba gusto mo? Humabol sa taong walang ginawa kung hindi saktan ka? Walang ginawa kung hindi iwasan at kalimutan ka na?

Lesson #4

May mga bagay talagang pwedeng magbago kahit ayaw mo. Yung taong mahal na mahal mo ngayon ay pwede kang iwanan. Sabihin na nating mahal ka din niya pero hindi mo ba naiisip na dahil sa oras pwedeng magbago yun? Huwag masyadong ibigay lahat dahil sa huli ikaw at ikaw rin ang kawawa. Hindi lahat ng tao pwede mag-stick sa iyo. Hindi rin lahat ng tao mabubuhay sa paraan na gusto mo. Lahat nagbabago. Mahirap tanggapin pero kailangan mo ding maliwanagan. Na hindi lahat ng tao kayang manatili sa buhay mo. 

--

I miss you Sorr. Rest in Peace. Xx-Ordineri

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon