Long distance.

5.1K 34 4
                                    

Dedicated to Jhessa(Yssa012) ♥ 

---------------------------------------------------------------

Jhessa: kc ang tagal na namin simula 3rd year highschool hanggang ngaung magka college na kami edi magka2hiwalay na kmi. Hindi q alam qng makakaya nmin ung LDR. Minsan iniisip ko na baka mwala feeling nya kc ang layo ko sa kanya  hndi kmi nagkikita, ano ang dapat? :)

Advice ♥

LDR means Long distance relationship. In your case right now. Mahirap. Base on my experience. Talagang sa pagmamahal natin sa isa't-isa sinubukan yung LDR. But hindi lahat ng ganitong sitwasyon, madali. Dahil simple lang, kayo nga pero malayo kayo sa isa't isa. 

Yung totoo sa likod ng LDR yung sa huli hindi din kinakaya. Dahil hindi natin maaiwasang dumaing sa point na. Ayaw na niya kasi .... 

#1

To the point na sa sobrang layo mo na sa kanya. Nagfa-fade ang feelings

#2

Walang tiwala sa partner, hindi maiiwasan ang away dahil sa TH. Tamang hinala portion.

#3

Ang ending? Pag nag-away na, dyan na magsisimulang umusbong ang break-up since.

Then maghihiwalay na..

Pero, hindi lahat ng LDR nag eend sa ganitong scenario. Yung iba kinakaya nila sa lahat ng paraan na kaya nilang gawin for the sake of their relationship.

Nasa sa inyo naman yan kung kakayanin mo yung mga pagsubok na dadating dahil sa isang relasyon kung hindi mo kaya iyon. Tiyak, magatatapos yung sa inyo. Pag dumating na kasi tayo sa point na LDR. Talagang madaming pwedeng mangyari, ayaw mo man o hindi. Dito kasi makikita yung tiwala niyo sa isa't-isa. Dito makikita yung Honesty na tinatawag natin. Dito masusubukan yung pagmamahal niyo sa isa't-isa. Kung talagang may faith kayo sa relationship niyo makakaya niyo yung LDR. Sabi nga sa isang social network na nabasa ko.

" Minsan kailangan mong kumapit at umangkas sa isang tao kahit mahirap para makapunta sa mga gusto mong marating at makamit, para sa tulay ng inyong panagarap, kahit minsan maraming pasakit. Bandang huli magiging proud ka sa sarili mo dahil napagtanggumpayan mo ang mga bagay na akala mo imposible o mahirap."

Isa lang masasabi ko, kung susubukan mo yung long distance relationship niyo. Dapat handa ka sa mga mangyayari. Ready ka sa dadating na pagsubok sa inyong dalawa.

3 things na dapat pag may LDR?

Honesty.

Trust.

LOVE.


Dahil kung para sayo talaga ang isang tao, mawala man siya sa iyo ngayon ng mahabang panahon magkikita pa rin kayo at magkakasama, kapag tama na ang mali. At kapag dapat na ang hindi dapat. Huwag kang matakot, dahil nanjan pa naman siya. Pag-usapan niyo kung kaya niyo ng LDR. Huwag kang mag doubt na baka mawala feelings niya sayo.

Dahil kung mahal ka talaga niya, hinding-hindi iyon magfa-fade. It depends kung may makita siyang iba. Just trust him. Trust your relationship, na walang titibag nito. (Titibag. XD) Walang sino man ang pwedeng manira nito. ♥

Spite of Love-love thingy, Mag-usap kayo ni boyfriend mo. Just ask him. Huwag mo siya iwan dahil mage-LDR kayo.Self fish reason's yun okay? Magsisi ka din sa huli dahil sa natakot ka. On my other chapter's here. Lagi kong sinasabi na JUST TRY. Wala namanng mawawala kung susubukan natin. Pero dapat ready ka. Ready ka sa magiging resulta nito. Either masakit o masaya. Dahil mahirap magisisi sa huli. ♥

Faith lang! Cheer up. ♥

By: Cutie author. ♥

------------------------------------------

A/n: Play the video ---------------------------------->♥

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon