Alaala mo. *tagalog*

3K 24 6
                                    

Natapos na ang lahat, nandito pa din ako. Tapos na ang lahat para sayo, pero para sa akin hindi pa. Para sa akin nagsisimula pa lang lahat. Simula noong iniwan mo ko mas pinili ko pa ding manatili sa alaala na natira na kasama kita. Alaala na tayo lang dalawa. Alaala na gusto nating hindi na maghiwalay pa sa mga oras na iyon. Mga alaala na hindi mo pa siya nakikilala. Masaya naman tayong dalawa noong wala siya, noong tayong dalawa lang, walang sagabal. Mas lumalaim yung nararamdaman natin sa bawat isa. Ilang bwan din ang lumipas na kasama kita, bawat oras napakasaya. Kahit na minsan may away at tampuhan. Kasama naman iyon sa relasyon hindi ba?

Puno man ng away, iyakan ang relasyon natin kahit na sumusuko na tayo sa isa't isa hindi pa din tayo naghihiwalay dahil nga mahal natin ang isa't isa. Ang sarap ng pakiramdam ng may minamahal hindi ba? Yung ang saya saya niyo, nage-effort kayo na mas patatagin ang relasyon niyo. Sabi nila kapag mahal mo daw ang isang tao lahat gagawin mo, ganyan nga nagagawa ng isang pag-ibig. Lahat iyon natutunan ko sa iyo. Hindi naman ako gumawa ng rason para maghanap ka ng iba, ibinigay ko naman lahat ng gusto mo. Oras, atensyon lahat iyon. Pero kahit ilang beses mo talaga paliguan ng pagmamahal ang isang tao, kapag nasa iba ang atensyon nito mababaliwala lang lahat ng ginawa mo.

Ilang bwan na lang, sa wakas. Mararating na rin natin. Hindi ako nagbago, ganito pa din yung mahal mo na nage-effort at hindi iyon nagbago. Kahit ikaw nagbago na, kahit na isang buwan ka ng nanlalamig. Ayos lang sa akin. Kasama sa relasyon yan eh. Pero, sa sobra saya ko, ikaw naman pala itong bumibitaw na ng paunti-unti.... na mas kinasakit ng damdamin ko.

Pinapunta mo ako sa inyo para mag-usap. Sa lugar na iyon nagsimula ang lahat. Doon umusbong ang kasiyahan na mayroon tayo. Ngunit hindi ko akalain na sa lugar na iyon magtatapos lahat. Akala ko may sasabihin ka lang. Akala ko may problema ka at hiniling ko na huwag sana makaapekto sa relasyon nating dalawa. Hinawakan ko ang kamay mo pero nilalayo mo ito. 

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.... Ano ba ang nagbago? Okay naman lahat hindi ba? Ang lapit mo sa akin  pero pakiramdam ko ang layo layo mo pa din sa akin. Ang lungkot mo, hindi na kita maramdaman pa. Pilit nagtatanong yung sarili ko... ano ba ang nagbago?

Hanggang sa nagsalita ka na at tinapos mo na ang lahat. Hindi ko maiwasang yakapin ka, itanong kung saan ba ako nagkamali, Kung ano ang kulang ko. Pero nagulat na lang ako ng umiiyak ka rin. Ang sabi mo sa akin...  '' hindi ikaw ang may problema. Kung hindi ako.''

Iniwasan kong umiyak sa harapan mo. Nang nalaman ko ang dahilan may iba ka na palang nagugustuhan. Hindi ko matanggap iyon. Dahil kahit kailan hindi ako gumawa ng dahilan para maghanap ka ng iba. Pero bakit?  Ginawa ko lahat nagmakaawa ako huwag mo lang ako iwan. Dahil magagawan ko pa naman ng paraan yan eh. Lahat gagawin ko wag ka lang mawala.

Akala ko ako yung pipiliin mo.

Dahil mas lamang ako, ako yung mahal mo siya gusto mo lang.

Ngunit mali ako. 

MAS PINILI MO SIYA. 

Doon ako mas  nasaktan ako ng sobra. Bakit siya? Bakit hindi ako? Yaan ang mga tanong na walang kasagutan na umiikot sa ulo ko. Pero dahil sa mahal kita, kahit yung hinihiling mo ng lumaya ginawa ko. Hindi ka naman bilanggo sa piling ko para palayain kita, bakit hiniling mo iyon? Dahil ba mas pinili mo ang bilangguan niya kaysa sa akin? Ibinigay ko pinaraya kita. Ayaw ko man, pero wala na akong nagawa dahil ikaw na mismo humiling nito sa akin.. Niyakap kita sa huling sandali.

Sinabi ko na mahal kita, at magiging masaya para sa iyo. Yan naman yung gsuto ko una pa lang hindi ba? Maging masaya ka.... pero hindi sa iba. Pero ngayon siya na ang kasiyahan mo. Kinalimutan mo na yung taong nagmamahal sa iyo ng lubos. Yung taong kasama mo bumuo ng alaala. Lahat ibinaon mo na sa limot. At ngayon hanggang alaala na lang lahat...

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon