Happiness

2.7K 25 2
                                    

HAPPY 100k. God! Im so happy, :D Thanks to my readers who always read my advice's! ♥ 

Dedicated to owwSIC♥ Sobra akong na-inspired dahil sa kanya lalo na nung meet up! Napasaya mo talaga ko. =) 

--

Happiness? Tayo! Tayo ang gumagawa niyan. Desisyon natin kung gusto ba nating maging masaya. Masarap kaya maramdaman to. Lalo na kapag may kasama kang isang tao na kasabay mong ngumiti at wala kayong iniintindi kung hindi kasiyahan lamang. Ang sarap bumuo ng kasiyahan lalo na kapag may kasama ka.

Yung kasama mo sa lahat ng oras kaya nagiging masaya ka. Yung tipo bang hinihiling mo na lang na sana huminto ang oras. Love is not just a happiness like what they said. Yes, nandoon na yung part ng broken hearts, those pain kapag nagmahal ka. Pero kapag nakaramdam ka ng kasiyahan? Matutulog ka na lang naka-ngiti ka pa. Priceless yung ganung ngiti dahil masaya ka.

Kaya kaibigan, kahit na may dinadaanan ka mang problema ngayon. Problema lang yan! Dumadaan lang yan para subukin kung matatag ka nga ba talaga. Kahit na sa sobrang sakit mapapa-shit ka na lang! Malalasahan mo talaga yung sakit. But, that's life

EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. THERE'S A REASON EVERY PROBLEM. There's always a solution behind that.

Just smile! Even though it hurts. Always keep believing. Huwag susuko kaibigan, totoo kaya yung there's always rainbow after the rain? Kung nasasaktan ka man ngayon. Okay lang yan! iiyak mo lang. Hindi naman pangmatagalan yang sakit na yan e. Magigising ka na lang isang araw na maiisip mo na. "Kailangan ko ng magising. Gusto ko ng maging masaya."

Hindi ka man masaya dahil wala kang LOVELIFE. Well, may lovelife ka naman matagal na. Your family and friends is your own lovelife. Kasi sa unang takbo pa lang ng buhay mo. Nandyan na sila, always support you no matter what happens. Maging masaya sa kanila. 

Maging positive lang. Nagiging komplikado man ang buhay hindi naman sapat yun para mag-give up. Always remember na yang kasiyahan na hinahanap mo nasa tabi mo lang.

Masyado ka lang nakapikit kaya hindi mo makita. Be happy! =)

Kapag nasaktan.  ✉Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon