Kendy's pov
Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break kami ni Richard. Nung una ang saya-saya ko, kasi finally Malaya na ako, kahit anong gawin ko sa buhay ko wala ng makiki-alam sakin. Pero I'm wrong, sabi nga nila sa una lang masaya. After one month na pag ce-celebrate ko bilang single, unti-unti ko ng nararamdaman yung lungkot. Palagi ko syang naaalala, yung mga masasayang araw namin na mag kasama. Nakakapag taka nga dahil bakit bigla-bigla itong pumapasok sa isip ko hangang sa namamalayan ko nalang yung sarili kong umiiyak.
Dumating ako sa point na hindi na kumakain kasi sinisisi ko yung sarili ko kung bakit nakipag hiwalay ako dito. Hindi ko naman masisi si Richard kung bakit hindi manlang sya tumutol nung araw na nakipag break ako sa kanya. Kasi alam ko na ramdam nya na din na ayaw ko na talaga, na kahit anong pilit nya noon na maayos pa ay hindi na talaga. Sa madaling salita, hinayaan nya nalang ako sa gusto kong maging malaya kahit masakit ito para sa kanya.
Pero bakit ako ang nag durusa ngayon? Bakit hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove-on?
Sinubukan ko naman na kalimutan sya, pero hindi ko magawa. Natatakot din ako na pumasok sa isang relasyon kasi baka maulit nanaman yung nangyare samin ni Richard. Na baka sa bandang huli ay ma out of love nanaman ako.
Kamusta na kaya sya? May Bago na kaya sya? Siguro masaya na sya ngayon. Mas lalo kaya syang gumwapo? Pumayat kaya ito or tumaba? Naalala nya pa kaya ako? Kasi ako hanggang ngayon sya pa rin Yung nasa puso't isip ko.
umiiwas lang ako na masaktan ulit'
ayuko ng maulit yung mga sakit na naramdaman ko before.
Naaawa ako sa sarili ko. Yung tipong kahit anong gawin kung pag m-moveon hindi ko magawa.
OO nakakalimutan ko sya pero bumabalik.Ang sabi nga sakin ng mama ko,
~Ang nararamdaman mo sa isang tao,
lalo na pag 1st love mo, hndi yan nawawala nag tatago lang yan, at darating ang time na lalabas at lalabas yan~Kelan ko kaya napapatawad Ang sarili ko? Kelan ko matatangap na wala na talaga kaming pag asa sa isat-isa.
"hoy Kendy! " bulyaw sakin ng pinsan kong si Janica. Diretso diretso itong pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko to ng walang emosyon hangang sa makaupo na ito sa kama ko.
"Lumabas kana,hindi nga ako sasama sa inyo. Bakit ba ang kulit nyo?"
Inis na wika ko dito. Ilang beses ko na silang pinag sabihan na hindi nga ako sasama sa kanilang magbakasyon. Mas gugutuhin ko pang matulog kesa makasama sila."Maraming boylet dun! For sure makakahanap ka ng bagong fafa!" Pangungulit nito at nag beautiful eyes pa sakin. I rolled my eyes at pinag cross ko yung arms ko.
"Kahit gwapo pa yan Janica wala akong paki-alam,hindi mo ako mako-convince na isama ako. "
pag susungit ko dito, si Janica kasi ang pinakang makulit sa mga pinsan ko. Hindi yan madaling pasukuin sa isang bagay, kaya sya yung pinapunta ng mga pinsan ko dito para pilitin akong maisama."Kasi si Richard pa din ang gusto mo? Sinabi ko sayo Kendy! Magiging matandang dalaga ka sa kakahintay sa ex mo! Jusme naman pinsan, kaya nga ex diba! WRONG! MALI! EKES! Ang ex- Hindi na yan binabalikan, Ang dapat gawin dyan ay kalimutan! Kahit na ikaw yung nag kamali, kung talagang mahal ka nya, sana hindi sya pumayag ng basta-basta, sana hindi sya sumuko sa relasyon nyo kahit nanglalamig kana!" Inis na wika nito at tiningnan ako ng masama.
Hindi ko naman masisisi si Richard kung sumuko na din sya. Yun naman talaga kasi ang gusto kong mangyare eh. Yung sumuko sya para hindi na kami parehas mahirapan pa. Pero bakit ako nalang yung nahihirapan ngayon?
"Kung ayaw mo sumama samin,samahan mo nalang si Lola Margie sa batangas. Nag bakasyon din kasi sila Tito kaya walang kasama si Lola kundi yung private nurse nya".
Muling wika nito kaya agad akong bumangon sa kama ko.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...