ex-3

37 3 0
                                    

KENDY'S POV

Maaga akong nagising, nag luto agad ako ng breakfast. HIndi ko alam kung bakit ko to ginagawa,pero gusto ko mag effort kahit na alam kong ayaw nya na.

“Morning” dinig kong bati nya,nilingon ko ito at dumiretso sya sa may ref.

“Salamat nga pala kagabi,sana ginising mo nalang ako, naabala pa tuloy kita".  nakangiting wika ko dito, feeling close ako ngayon kahit napakasungit nya.

“Next time wag mo na kong hintayin, may susi naman ako ng bahay. Wala naman pati akong sinabi na hintayin mo ko.” cold na wika nito. Nagmamagandang loob na nga ako ganyan pa din sya.

“P-pasensya na, akala ko kasi wala kang susi. Sige next time hindi ko na uulitin” Sagot ko dito at pinapatuloy ko na ang pag luluto ko. Narinig ko pa ang pag buntong hininga nya.

“Ayuko kasing napupuyat ka dahil sa pag hihintay sakin, hindi mo naman kailangang gawin yun dahil wala ng mag babago Kendy.” Wika nito na syang ikinainis ko, kailangan bang lagi nyang ipamuka sakin na wala na talagang pag asa?

“Alam ko naman yun! Hindi ba pwedeng nag mamagandang loob lang dahil baka hindi ka makapasok, baka mag hintay ka sa labas ,tapos lamukin ka, lamigin ka, baka ikamatay mo pa yun at maging konsensya ko pa!” inis na sabi ko dito.

“Bakit nung iniwan mo ko? May mangyare ba sakin? Diba kinaya ko lahat,yun pa kayang isang gabi lang sa labas? May konsensya ka din pala” sarcastic na wika nito at ngumisi sakin. Tila napaurong naman yung dila ko, hindi na ko muling umimik.
Dapat kasi nanahimik nalang ako, na realtalk nanaman tulog ako.

Isa pa wala akong panalo sa kanya, dahil ako ang nag kamali, ako ang may kasalanan ng lahat.

“GOOD MORNING mga apo” masiglang bati ni lola,hindi na ulit kami nag usap ni Richard.
Mashado atang masikip para samin ni Richard itong bahay ni Lola.

“Kamusta ang lakad mo kahapon iho?” tanong ni lola kay Richard.
Nag simula na din kaming kumain.

“Ok naman po, nag enjoy ako”Nakangiting sagot nito. Sana all nag enjoy. Nakikinig lang ako sa usapan nila, kasi baka pag sumali ako, ma real talk or mabara lang ako ni Richard.

“Kendy, wala ka bang balak lumabas ng bahay? May alam akong malapit na resort dito. Pupunta mamaya ang mga kaibigan ko, pwede kang umalis. Samahan mo nalang sya Richard, para makapag libang naman kayo”. Wika ni Lola kaya natigilan ako sa pag subo sa pag kain ko.

“San po ba yung resort, ako nalang po ang pupunta mag isa.” Wika ko kay lola, ayukong magkaroon ng utang na loob sa Richard na yan, baka isipin nya pa na umasa nanaman akong mag kaayos kami.

“Hindi sasamahan kita”. Napalingon ako sa sinabi ni Richard.

“Oh ayan naman pala iha,sasamahan ka ni Richard, para mas lalo pa kayong mag kakilala" Nakangiting wika ni Lola. Naku lola! kilala na po namin sa isat-isa. Ano naman kaya ang trip ni Richard at sasamahan nya pa ako?

After naming kumain, liligpitin ko na  sana yung pinagkainan namin ng pigilan ako ni Richard.

“Ako na dyan’ walang emosyon na wika nya.

“Ako na, Gawain to ng babae “ cold din na sagot ko.

“No! ako na, diba nag luto ka. Baka mapasma ka!”
Wait concern ba sya? Assuming ka nanaman Kendy! Hindi na ko nakipag talo sa kanya, hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.
Dumating na yung mga kaibigan ni lola, mga bata pa naman yung iba kaya hindi na ko nag alinlangan pang umalis.

“Ok lang naman ako kahit hindi mo na ko samahan” Wika ko kay Richard, palabas na kami ng gate ngayon at nag papakipot akong magpahatid sa kanya.

“Ihahatid lang kita para di ka maligaw, pag dating mo dun bahala kana sa sarili mo.” Cold na sagot nito.
Ano pa bang aasahan mo Kendy, feeling mo ba mag d-date kayong dalawa sa beach?

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon