Kendy's povNagising ako dahil sa sinag ng araw. Bigla akong napabangon ng maalala yung nangyare kagabi. Pag tingin ko sa tabi ko wala na si Richard.
Nyemas naman kasi anong oras ba ko nakatulog kagabi? Tiningnan ko yung orasan sa kwarto ko.
Mag aalas dose na pala, agad kong inayos ang hinigaan namin at nag suklay ng buhok.Bakit hindi nya manlang ako ginising, hindi ko tuloy sila naipag luto ng breakfast ni lola.
"Good morning Iha". Nakangiting bati sakin ni Grandma habang nanunuod ng tv.
"Good morning din po". Nakangiting sagot ko dito, nag madali akong pumunta ng kusina dahil ganitong oras ay nag luluto na ng lunch si Richard. Pero pag pasok ko dito at wala ito.
"Nga pala Kendy, Kumain kana dyan. Umalis si Richard kanina, kaya nag order nalang ako ng lunch natin. Baka bukas na ang balik nya". Dinig kong wika ni lola mula sa sala.
Napasimangot ako sa sinabi ni Lola, bakit hindi manlang ito nag paalam sakin. Hindi pa din ba kami ok? wala pa rin ba akong karapatan na malaman kong san sya pumupunta?
manlang sya nag paalam sakin?-
Lumipas ang mga oras na naka tunganga lang ako mag hapon sa tv.
Si lola naman nag papahangin sa Garden.Bakit ganito, feeling ko isang lingo ko na syang wala dito sa bahay.
Ang bigat sa pakiramdam, miss ko na agad si Richard."Grandma!!!" Sabay sabay na tawag ng pamilyar na mga boses mula sa labas.Dali dali akong tumungo kung nasan si Grandma. Nandito ang mga pasaway kong pinsan. Mukang babalik na sila ng manila dahil dala-dala na nila ang mga gamit nila.
Isa-isa silang nag mano at humalik kay lola Margie.
"Uuwi na ba kayo ng manila?" Tanong ni lola sa kanila.
"Opo, pero pwede po bang mag stay kami dito kahit dalawang araw lang? para naman makabonding ka namin lola. Ilang buwan ka nanaman naming hindi makikita dahil simula nabaman ng trabaho, tapos may pasok na din kami". Wika ni Janica.
Mga Graduating na kasi sila, sila Freyah naman nag wowork na din tulad ko."Walang problema, May dalawang kwarto pa namang bakante. Basta wag nyong papakilaman ang kwarto ng tito at tita nyo maliwanag ba?" Paalala ni Lola.
"Yes lola Margie." Sagot ni Kevin.
"Oh nasan si Richard? bakit ikaw lang ang nandito?" tanong naman ni Carlo sabay tingin sakin. Hindi ako umimik tiningnan ko lang sya ng masama.
"May balita na ba? kayo na ba ulit?" tanong naman ni Freyah. Paniguradong mang-gugulo lang ang mga yan kaya sila nandito.
"Hindi ko alam kung bakit hangang ngayon hindi pa sila nag kakaayos, mashadong mabagal itong si Kendy!"
Wika ni Lola kaya napatingin ako dito."Haha hayaan nyo lola, mag kakabalikan din ang dalawang yan, at bago po kayo mag birthday mag kaka-apo kana sa tuhod". Natatawang wika naman ni Jeanne.
Naalala ko tuloy yung nangyare samin ni Richard kagabi. Paano kung nauwi kami sa- Alam nyo na yun. My gosh! pakiramdam ko nag iinit ang pisnge ko."Nga pala lola, mag iinuman kami dito mamaya. Pwede po ba?" tanong ni Kevin at umupo ito sa tabi ni lola na tila nag lalambing. Si lola naman go lang ng go, parang ka edad lang namin kung makipag usap.
"Walang problema mga apo, basta wag lang mag kakalat dahil hindi ako ang nag lilinis dito" Wika ni Lola kay Kevin.
"Sige po lola, kami na ang bahala mag linis, nandyan naman pati yung MAG EX " Wika ni Janica, at diniinan pa nya yung word na mag Ex sabay tingin sakin. Nag hagalpakan naman sila ng tawa maging si lola.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...