Ex13

36 2 0
                                    

**Xandra's Pov**

I feel guilty for what I did to Richard, especially to Kendy. Narinig ko si Kevin at ang Lola nito nung binisita nila ako sa kwarto ko. Sobrang bait nila, lalo na si Kevin. Kahit na ginawan ko ng masama si Kendy and Richard, niligtas nya pa din ako sa kamay ng pinsan nyang si Freyah. Umalis ako ng hospital dahil nahihiya na ako kay Kevin. Dahil sakin nagalit ang mga pinsan nya. Hindi na ako nag paalam dito, sobra sobra na kasi yung tinulong nya sakin at nahihiya na akong abalahin sya.
After namin mag usap ni Richard umalis na din ito at nag paiwan si Kevin dito. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ko kay Kevin. Kahit na tinulungan nya ako, hindi pa din sapat yun para pagkatiwalaan ko sya. What if nag papaka hero lang sya sakin para gumanti? Hindi ako pwedeng makampanti lang.

"Bakit hindi mo manlang sinabi sakin na mag papalipat ka ng hospital?" Tanong ni Kevin kaya napalingon ako dito. Nakaupo pa din ito sa sofa.

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo, thank you for helping me Kevin. Tanawin ko yun na malaking utang na loob sayo. Pero hindi tama na nandito ka pa." Wika ko dito kaya kumunot ang noo nito.

"Nandito ako to make sure na hindi mo ko tatakasan. Sinabi ko naman sayo diba na pag babayaran mo yung ginawa mo sa pinsan ko? At ako ang maniningil para kay Kendy". Nakangising sagot nito sakin.

"Ano bang dapat kong pag bayaran sayo? Sabihin mo lang kung magkano para ma isend ko na agad sa account mo. Wala akong time makipag lokohan sayo Kevin." Inis na paliwanag ko dito. Lumapit ito sakin at naupo sa kama ko.

"Makipag date ka sakin sa loob ng isang buwan. Yun ang gusto kong kabayaran." Nakangising sagot nito sakin.

"What? Are you out of your mind? Ako makikipag date sayo? Nababaliw kana talaga!" Inis na wika ko dito, hindi ako makapaniwala sa gusto nyang mangyare?

"Mahirap ba yun? 1month lang naman hinihinge kong kapalit, and after nun hindi na kita kukulitin. Hinding hindi na din ako mag pakita sayo after nun." Muling sagot nito. Napabuntong hininga ako at tiningnan sya ng masama.

"Hoy Mr.Kevin, kapag hindi mo tinupad yang mga pinag sasabi mo sakin ngayon, ihanda mo na ang pag lilibingan mo!" Pananakot ko dito.

"Don't worry Ms. Xandra, tumutulad ako sa mga pangako. Kapag naka recover kana, babalikan kita". Wika nito at tumayo na sa kama ko.

"Siguraduhin mo lang na yun lang ang magiging kapalit at wala ng iba!" Pahabol na wika ko dito. Ngumiti ito sakin at sumaludo. Mukang hindi nya ako titigilan.

"Sige pumapayag na ako, 1month akong makikipag date sayo bilang kabayaran ng ginawa ko sa pinsan mo". Wika ko dito at inabot ko Ang kamay ko dito para makipag shake hands tanda ng kasunduan namin. Mas mabuti na din ito para hindi ko dalhin habang buhay ang konsensya ko. Mabilis lang ang 1month. Titiisin ko nalang na pakisamahan si Kevin. Makikipag date lang naman ako sa kanya, wala ng ibang mangyayare.

*Freyah's Pov*

Hangang ngayon ay hindi ko iniimikan si Kevin. Hindi ko talaga matangap na mas pinili nya si Xandra. Hindi ko sya kinakausap sa gang-land, kung di ko lang sya pinsan baka sinapak ko na sya. I respect him parin bilang pinsan ko. Tumawag si Supremo, may pag uusapan daw kami. After ng klase ko ay dumiretso ako sa hide out namin. Kumatok muna ako sa office nito bago pumasok. Napakunot ang noo ko ng makita si Lola, hindi lang si Supremo ang kasama nito. May isa pa syang lalaking kasama, mukang ka age ko lang ito. Ano namang ginagawa ni grandma dito?

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon