Third Personals Pov"Nasan na ang Bride!!?" pag papanic na tanong ng coordinator ng wedding nila Richard.
"Ms. Zia hindi po namin ma contact." Natatakot na sagot ng Assistant nito.
"What? She's 10 minutes late! Ano itutuloy pa ba ang kasal?" Tanong nito sa assistant nya.
"What's happening here?" tanong ng mommy ni Richard.
"Wala pa po yung bride" Sagot ng Coor. Kaya maging ang mommy ni Richard ay nag panic na din. Agad itong tumungo kay Chad para sabihin ang problema.
"Anak, wala pa si Kendy? ano bang nangyayare bakit wala pa si Kendy?" Wika ng ina nito na may pag aalala.
"Baka naman po na Traffic lang" Sabat ng bestman na si Kevin. Dahil dito hindi na rin mapakali si Richard.
"Sino ba ang kasama nya ngayon?" Tanong ni Richard kay Kevin.
"Yung tatlo, si Janica, Freyah at Jeanne" Sagot naman ni Carlo.
Lahat ng bisita ay nag bubulong bulungan na. Iniisip nila na baka umurong na sa kasal si Kendy."Baka kung ano ng nangyare sa kanila anak". Pag aalala ng dad ni Richard.
Agad na kinontact ni Kevin ang mga pinsan nito pero mga hindi sumasagot."Hindi sumasagot eh, napano na kaya sila?" Pag aalala ni Kevin.
*Bridal's Car---**
" Kuya wala na bang ibibilis tong pag d-drive mo?" Inis na tanong ni Freyah sa driver nila.
"Pasensya na mam, naiwan ko po kasi yung salamin ko". Sagot ng matandang driver kaya napa nganga buntong hininga yung tatlo.
"Ano ba naman yan manong! Takbong libing to eh hindi kasal! Mali-late na kami!!" Sigaw ni Jeanne na kanina pa gustong bumaba ng sasakyan.
"May phone ba kayong dala? kailangan kong tawagan si Richard". Tanong ni Kendy pero sabay sabay na umiling yung tatlo.
"Hindi kami nag dala ng phone kasi wala din naman kaming pag lalagyan." Sagot ni Janica na pinag papawisan na din kahit naka aircon ang sasakyan.
"Ay naku manong ako na ang mag d-drive baka bago pa tayo makarating eh nakauwi na ang mga bisita." Wika ni Freyah. Agad na itinigil ng driver yung kotse sa tabi at nag palitan sila ng pwesto ni Freyah. Napakapit ng mahigpit yung driver dahil sa bilis ng pag mamaneho ng dalaga.
"Hoy Freyah mag hinay hinay ka naman at baka sa hospital na ang takbo natin nyan!" Inis na saway ni Jeanne dito. No choice na talaga si Freyah kundi bilisan ang pag mamaneho. Lahat na siguro ng shortcut na daan na alam nya ay dinaanan na nila.
"Sh*t! Bakit ba nakikisabay tong traffic na to, kung kelan malapit lapit na tayo sa simbahan!" Inis na wika ni Freyah sabay hampas sa manobela.
"M-mam may malapit na daan po dun papuntang simbahan." Nauutal na wika ni manong driver habang nakahawak pa din ng mahigpit sa seat belt nya. Mukang kabadong kabado si manong driver dahil sa ginawa ni Freyah.
"Bakit hindi nyo naman po sinabi agad. Tara baba na". Wika ni Janica at nag si babaan na sila sa kotse. Dahil naka long dress at heels sila mukang mahihirapan ang mga ito sa mahabang lakaran.
"Kami na ang bahala sa laylayan ng gown ni Kendy, alalayan mo nalang sya" Wika ni Freyah kay Janica. Tumango naman si Janica bilang pag sang-ayon.
"Guys salamat talaga ahh, kung wala kayo baka kanina pa kong iyak ng iyak dahil dito, bakit kasi parang ang daming sagabal sa kasal namin ni Richard?" Malungkot na wika ni Kendy.
"Naku mamaya na ang dramahan! Bilisan na natin, hindi tayo mapipigilan ng kahit na sino, kahit traffic pa yan."Wika ni Janica at inalalayan na nga sa pag lalakad si Kendy. Pinag titinginan na tuloy sila ng mga taong nadadaanan nila.
"Kuya san ang pinakang mabilis na daan papuntang simbahan?" Tanong ni Janica sa lalaking nag titinda ng fishball.
"Diretso lang kayo dyan miss tapos labas nyan simbahan na." Sagot nito habang nag luluto.
"Sige kuya salamat ah". Wika naman ni Kendy. Nag patuloy sila sa pag lalakad hangang sa may humarang naman sa kanila na tatlong aso.
"Shuuu! Mga chu-chu padaan naman kami." Wika ni Janica sa mahinahong pananalita. Pero mukang hindi natuwa sa kanya yung mga aso.
"Aww- awww" Tahol sa kanila ng mga aso. Agad naman na nag panic yung apat. Mukang titikman muna sila ng mga ito bago padaanin.
"Ikaw nalang ang mag pahabol Freyah, kailangan makalusot kami nila Kendy". Wika ni Jeanne na halatang dispirado na makadaan lang.
"Sira ulo ka ba? Muka ba kong buto para ipang pain mo dyan sa mga aso?" Inis na wika ni Freyah dito.
"Eh ikaw lang mabilis tumakbo satin eh, pati sanay kana sa pakikipag away, sa mga aso pa kaya?" Wika ni Jeanne, may punto din naman ito.
"Wag na nga kayo mag away dyan, kailangan na nating makarating sa Simbahan". Naiiyak na wika ni Kendy.
Natahimik Naman yung dalawa."Oh! Wag kang iiyak, ng makeup mo kakalat, makakarating tayo. Wag kang pang hinaan ng loob". Wika ni Janica Kay Kendy.
"Brownie! Whitie at Blackie umuwi nga kayo sa bahay! NASA galaan nanaman kayo!" Wika ng batang babae dun sa tatlong aso. Agad naman na umalis sa daan yung mga aso na ready to bite na sana dun sa apat.
"Naku bebe, Buti dumating na kagad, baka mineryenda na kami ng mga aso mo". Wik ni Kendy dito, napakamot naman ng ulo yung bata.
"Pasensya na po, pasaway talaga yung mga aso na yun. Nanahol lang naman po yun, pero hindi nangangagat". nakangiting sagot ng batang babae.
"Salamat beg huh!" Wika ni Kendy at napanganga kami sa sunod na ginawa nito. Hinubad nya yung suot nyang heels.
"A-anong gagawin mo? Wag mong sabihin na tatakbo ka ng naka ganyan?" Di makapaniwalang tanong ni Freyah.
"No choice na ako, kailangan kong makarating ng simbahan". Disperadong sagot nito.
"Ate suotin mo po to para di madumihan yung paa mo". Wika nung bata at ibinigay nito ang tsenelas na nasa pinto ng bahay nila.
"Naku Baby Girl salamat ahh." Wika ni Jeanne dito.
"Walang ano man po." Nakangiting sagot nito. Agad na sinuot ni Kendy yung tsenelas at lakas loob na kinuha ang laylayan ng gown nya at nag simula na itong tumakbo.
"Para sa happy ending!" Sigaw ni Freyah at hinubad na din ang heels nila.
"Para sa Forever ni Kendy and Richard!" Sigaw din ni Jeanne at tinaas pa nito ang heels na hawak nya. Nag-tawanan ang mga ito bago mag si takbo.
"Ibang klase tong kasal mo Kendy, bago tayo makarating ng simbahan nakapag excersice pa tayo". Natatawang wika ni Janica.
"Bilisan mo dyan, ang bagal mo." Wika ni Freyah na nangunguna sa pagtakbo.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare, nag rubber shoes sana ako". Wika naman ni Janica.
*Kendy's Pov*
Konte nalang at malapit na kami, mauubusan na ko ng hininga dahil sa pagod. Nang makarating kami sa tapat ng simbahan ay agad kaming sinalubong ng Coordinator ng wedding namin.
"My Gad Ms.Kendy, anong nangyare sa inyo?" Pag alalang tanong nito at
agad nitong pinunasan ang pawis ko."Long story! Bilisan mo na asikasuhin mo na si Kendy para masimulan na ang kasal". Si Jeanne na ang sumagot sa tanong nito at agad naman na ni retouch ang make-up namin. Hindi pwedeng maudlot ang kasal namin dahil lang dito.
"Be ready in 5 minutes" Wika ng coor.
"Iha!" Tawag sakin ni lola Margie at niyakap ako" Naiiyak ako dahil sa nangyare samin. Akala ko talagawa wala na akong maabutan.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...