Ex10

48 2 0
                                    

Kendy's Pov

1week na ang lumipas mula ng bumalik kami ng manila. Mas pinili ni lola na sa bahay nalang namin mag stay, kasama pa din namin si Richard dahil pinanindigan nya na ang pag aalaga kay lola. Sana d na bumalik yung nurse ni lola para may dahilan si Richard na mag stay pa dto sa bahay.

Nalaman na din ni mama at papa yung sa aming dalawa, at shempre sobrang tuwa nila na malaman na nanliligaw na ulit sakin si Richard.
Botong boto sila sa lalaking yun. Gwapo na, mabait pa. Lahat na ata at nasa kanya.

"Mukang may lakad ka iha ah, may date ba kayo ni Richard?" Tanong ni mama sakin. Kasama nya si lola dito sa sala nag co-coffee.

"Opo ma, " Nakangiting sagot ko.

"Sige mag iingat kayo, nasa labas na sya hinihintay ka"  Wika naman ni lola. Humalik muna ako sa kanilang dalawa bago umalis.

Naabutan ko naman si Richard na nakasandal sa kotse nya. Agad namang yumakap ako dito. Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.

"Lets go" Nakangiting ya'ya nito sakin.
Pinag buksan nya ko ng pinto ng sasakyan. Napaka gentle man nya talaga, mahahalikan ko nanaman to eh.

---
After ng ilang minutong byahe,Nakarating kami sa isang park.
Gusto talaga ni Richard yung simpling date lang,hindi tulad ng iba na pag nakikipag date sa mga mamahaling resto or mall dinadala. Mas gusto nya yung namamasyal lang, at wala mashadong tao.

"Natatandaan mo pa ba tong lugar na to?" Nakangiting tanong ni Richard habang nag lalakad lakad kami.

Hinding hindi ko makakalimutan ang Lugar na to,dahil dito ko sya sinagot noon.

"Hindi eh" Pang aasar ko na sagot ko dito. Tiningnan nya naman ako ng masama. Hahaha ang cute nya magalit. Kaya tinawanan ko Dito.

"Hahaha shempre naman makakalimutan ko ba naman ito. Isa ito sa speacial na lugar para satin.May pag luhod ka pa nga sa harapan ko nun eh". Pag papaalala ko dito. Bumalik naman yung ngiti sa kanyang labi. 

Eii! Nakakalaglag panty, ibang iba talaga yung ngiti nya.

"Gagawin ko nalang ulit yun pag yayayain na kitang mag pakasal" Seryosong wika nya. Kyah! Kasal? Omg! Pag niyaya nya kong mag pakasal ngayon hindi ako mag dadalawang isip, papayag talaga ako.
Wag kayong ano dyan! Papakipot pa ba ko?

"Kendy". Tawag nito sakin habang nag lalakad kami. Hawak hawak nya yung kamay ko.

"Hindi ko talaga akalain na babalik tayo sa dati,na mauulit ang lahat ng ito. Hinding hindi ko na ulit hahayaan na magkahiwalay muli tayo. Ikaw talaga yung gusto kong makasama habang nabubuhay ako". Wika nya kaya napatigil ako sa pag lalakad.
Bigla kong naramdaman yung pangingilid ng luha ko. Ayuko ng dinadramahan nya ko kasi mababaw lang talaga ang luha ko.

"Kendy, alam mong hindi ako ma effort na tao, pero this time sana magustuhan mo to" Wika nyang muli at hinila ako nito. Napahinto ako ng makita ang mga petals ng red roses na nag kalat sa frog grass. May mga red balloons din na nakatusok sa lupa.
Bawat balloon ay may mga nakasulat. Kaya agad ko itong binasa.  

"Hi Baby" yan ang unang letter na nakuha ko sa balloon.

"Its been 3 years mula ng mag kahiwalay tayo" Basa ko sa pangalawang balloon. Yung luha ko nag babanta nanamang tumulo.

"Pero sa loob ng tatlong taon, walang nag bago sa puso ko, ikaw at ikaw pa rin ang itinitibok nito"  3rd balloon.
Hindi ko napansin na wala na si Richard sa tabi ko, pero pinag patuloy ko ang pag babasa.

"Pinangako ko sa sarili ko na hindi hinding hindi ako iibig sa iba dahil ikaw lang talaga" 4th balloon.

"Kaya hindi na ko mag aaksaya pa ng panahon, Araw araw kitang liligawan . Lagi din kitang sasabihan ng I LOVE YOU . I'll do this every day, every minute, and every second of my life."  Habang nag babasa ako todo punas na ako ng luha at sipon ko. Langya, di man lang nag sabi na may ganito pala, eh di sana nag dala ako ng towel o kaya kumot pamunas sa sipon at luha ko.

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon