ex15

32 3 2
                                    


*Kendy'S Pov*

3 days nalang bago ang kasal namin ni Richard, ok naman na ang lahat at wala ng atrasan to.

"Excited na ko sa bridal shower party!!" Ngiting ngiti na wika ni Janica. Napakunot naman ang nuo ko, dahil wala akong alam sa bridal shower na sinasabi nito.

"Well ikaw ang may pakana ng lahat ng ito Janica kaya i'm sure mag eenjoy tayong lahat" Wika naman ni Jeanne na mas lalong ipinagtaka ko.

"Paniguradong maraming macho dancer na kinuha yan!" Pailing iling naman na wika ni Freyah.

"Anong bridal Shower?" Singit ko sa usapan nila. Nandito kasi sila sa bahay ngayon.

"Alam ko kasing hindi ka mag papa-bridal shower party kaya pinangunahan na kita. Ito na ang last party mo insan sa pagiging Miss  kaya wag kang KJ." Wika ni Janica na medyo tiningnan pa ako ng masama.
Hindi ko naman na kailangan yun eh, ang mahalaga yung araw ng kasal namin ni Richard. Sila lang din naman ang mag eenjoy sa party eh.

"Don't worry, dahil sinabi na namin to kay Richard at pumayag naman sya. Ang alam ko, may hinanda din si Kevin and Carlo na party para kay Chad. Marami nga daw silang kinuhang babae for entertainment." Nakangising wika ni Janica sabay tingin sakin. Talagang pinag o-overthink ako ng babaeng to.

At bakit hindi manlang nabangit sakin ni Richard ang tungkol dito? Tapos marami pa daw kinuhang babae. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis.

"Kelan gaganapin yung Shower party nila?" Tanong ko sa mga pinsan kong pasaway.

"Mamayang gabi na ata" Si Xandra na ang sumagot. Mula nung nag kaayos kami ni Xandra madalas na namin syang nakakasama dahil kay Kevin.

Agad ko namang tinawagan si Richard, pero hindi ito sumasagot. Kinakabahan ako sa mga pakulo ng mga ito. What if landiin si Richard ng mga babae dun? Tapos hindi na matuloy yung kasal namin?

"At mamayang gabi na rin gaganapin yung Bridal shower mo Kendy, so mag ready kana hahah. May binili nga pala kaming Bridal dress para sayo, nasa kwarto mo na yun" Wika ni Jeanne at nag evil smile ito sakin. Talagang pinag handaan nila to, makakaatras pa ba ako? Humanda talaga sakin ang Richard na yan pag nag kita kami bukas.

*Third Personal's Pov*

Nakasimangot si Kendy habang nag bibihis, hindi kasi sya komportable sa suot nyang fitted white dress, yung tipong kunting yuko nya nalang lalabas na yung kaluluwa nya dahil sa sobrang igsi nito.

"Here comes the Bride!!" At isa isang pumasok ang mga pinsan nya sa kwarto nito kasama si Xandra. Mga naka dress din ang mga to pero di katulad ng sa kanya na napaka igsi.

"Kapag nagalit sakin si Richard kayo ang mananagot sakin!" Inis na sabi ni Kendy. Pero tawanan lamang ang nakuha nyang sagot.

"Ok nasan na ang mahiwagang blind fold?" Tanong ni Janica sa mga kasama nya. Nilabas naman ni Freyah ang kulay itim na tela. Kinorner na nila si Kendy. Nag pupumiglas naman si Kendy ng lagyan sya ng piring sa mga mata nya.

"Wag kang mag alala pinsan, Isa ito sa gabing hinding hindi mo makakalimutan hahha" Wika ni Janica at cheneck ang blind fold ni Kendy. Dahil si Janica ang ang nag plano ng lahat ng ito, mas lalong kinakabahan si Kendy. Marami kasing padabog na nalalaman itong pinsan nya.

Inalalayan na nila si Kendy hangang sa makalabas ito ng kwarto.

"Mag iingat kayo, Enjoy the Night Kendy" Wika ni Lola Margie. 

"La gusto mo bang sumama? marami kaming kinuhang boylet mga gwapo yun". Biting wika ni Janica sa Lola nila.

"Haha naku iha, tapos na ko sa ganyang gawain, at kapag sumama ako sa inyo, mawawalan kayo ng boylet dahil sakin silang lahat lalapit". Pabirong sagot din ng lola nila.

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon