Chapter 8
**SomeOne'S pov **"Alam nyo na ba ang dahilan kung bakit sya aalis sa grupo?" Tanong ko sa mga tauhan ko.
"Hindi pa boss, pero patuloy kami sa pag mamatyag sa kanya." Sagot nito.
"Ayusin nyo ang trabaho nyo! Patayin nyo ang sino mang sasagabal sa mga plano natin". Wika ko sa mga ito.
"Masusunod boss" Sagot nito bago umalis sa harapan ko.
Hindi kita bibitawan sa pag kakataong ito Richard, tatapusin mo ang mga nasimulan mo.
Kung ano man ang dahilan mo para umalis sa grupo, hindi ako mag dadalawang isip na gawin ang lahat para lang mag bago ang isip mo.
Kung kailangan kong pumatay, papatayin ko. Hindi ka pwedeng mawala sakin, hindi ako papayag."Boss!" Tawag sakin ng isa sa mga taohan ko, nag mamadali itong lumapit sakin.
"Alam na po namin ang dahilan ni Richard, nakita namin itong may kayakap na babae sa bahay na tinutuluyan nya". Wika nito na hindi ko nagustuhan.
"Ano! Ulitin mo ang sinabi mo!!" Sigaw ko dito, hindi ako binge pero i want to make sure na totoo lahat ng sinabi nya.
2years akong nag hintay na mapansin ni Richard, tapos biglang may e-eksena. Mapapatay ko yung babaeng yun. Kaya ba iiwan nya kami, dahil ba ito sa babaeng yun?
Akala nya ba papayag ako?
Mag kakamatayan muna. Akin ka lang Richard. Hindi mo pwedeng iwan ang grupo! Gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala.*Kendy's Pov*
Nagising ako ng maramdaman na may dumampi sa noo ko. Unti-unti kong iminulat yung mata ko,pag tingin ko nasa gilid ng kama ko si Richard. Medyo nakahiga ito habang sinusuklay nya yung buhok ko gamit yung daliri nya.
"Good morning" Nakangiting bati nito sakin. Pag ganito naman ka gwapo ang bubungad sakin tuwing Umaga, ang ganda siguro palagi ng araw ko.
"Good morning din, kanina ka pa ba dyan?" Nahihiyang tanong ko. Baka tulo laway ako matulog, tapos baka narinig nya pa yung pag hilik ko. Oh diba nakakahiya pag ganun. Baka ma turn off sya sakin tapos hindi nya na ko sagutin.
"Hindi naman, bumangon kana. Ready na yung breakfast natin". Wika nya at inalalayan ako patayo.
Sana araw-araw syang ganyan, para may dahilan na akong gumising ng maaga at hindi na abutin ng sikat ng araw sa kama."Lola, nandyan na po yung Lovebirds"
dinig kong wika ni Kevin. Mga nag kakape yung mga may hang over."Wag sabing maingay Kevin masakit sa ulo!" Reklamo ni Janica habang nakahawak sa sintido nya.
"Ayan laklak pa more haha! " pang aasar naman ni Carlo. Tahimik lang si Freyah at Jeanne, masama din siguro ang pakiramdam.
"Nag almusal na ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"oo iha, kayo nalang ni Richard ang hindi ". nakangiting wika ni lola.
"Paano ayaw sumabay ni Richard samin, sasabayan ka daw nya, Ayiee!! Yung nililigawan pa ang nag hihintay. dapat si Kendy ang pinag hihintay!" Wika naman ni Carlo, haist ayan nanaman sila.
"Nililigawan kana ba ni Kendy?" Tanong ni Lola kay Richard.
Nililigawan talaga? seryoso ba sila?
Napakamot si Richard sa batok nya, halatang nahihiya."Opo lola, nililigawan nya na ko. Kaso lang kulang pa yung panliligaw nya kaya malabong sagutin ko kagad sya." Sagot ni Richard kay Lola. Sira talaga tong kapre na to, nakakahiya kaya,
Siniko ko sya sa ng mahina sa tagiliran. Anong panliligaw ba gusto nya? bibilhan ko ba sya ng flowers at chocolate? kailangan ko ba syang haranahin? Langhiyang to! naka kiss na nga sakin manliligaw pa din ako.
Iba na talaga ang takbo ng utak ng mga tao ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...