KENDY'S POV
Hapon na ng nakauwi kami sa bahay, marami akong nakain sa beach kanina, siguro dahil sa pagod.
Nakaramdam na naman ako ng gutom dahil sa amoy na nang-gagaling sa kusina kaya agad akong pumunta dito. Pag pasok ko, napatalikod ako.
Naka topless kasi tong si Richard habang nag luluto.Mukang bagong ligo sya dahil basa pa ang buhok nito.
Humarap ulit ako dito, mukang hindi nya napansin ang pag dating ko dahil patuloy lang sya sa pag luluto.Napasandal ako sa sa pintuan habang pinag mamasdan sya.
Wala naman syang muscle dati nung kami pa, 21years old lang sya nun then 20 ako.Pero ngayon, nakakatakam na sya.Wait ano ba tong pinag iisip ko? Nahalikan nya lang ako kanina naging mahalay na yung isip ko. Para akong tanga dahil napapangiti ako sa mga kalokohan na pumapasok sa isip ko.
"Enjoy na enjoy kang panuorin ako ahh". Wika ni Richard na syang ikinagulat ko. Napanganga ako ng humarap ito sakin, lumantad sa harap ko yung mga pandesal nya.
~Kendy yung laway mo tutulo na.
Agad kong isinara yung bibig ko at yumuko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, ang init nanaman ng muka ko.
"Hahaha" dinig kong tawa nya.
Pag tingin ko ulit sa kanya, naka tshirt na to."Masarap ba?" Mapang-asar na tanong nito habang pangiti-ngiti. Tiningnan ko sya ng masama.
Narinig ko nanaman itong tumawa.
Nakakahiya talaga, bakit kasi ang hot nya, hindi ko tuloy maiwasang hindi tumingin kanina.Dahil sa sobrang pag kahiya ko, lumabas na ako ng kusina at sinundo na si Lola para kumain ng dinner.
Pag balik namin sa kusina wala na si Richard pero naka ready na ang dinner. Mukang pumunta ito sa kwarto nya.Naupo na kami ni Lola, bumalik din naman agad si Richard. Nagkatinginan kaming dalawa at ngiting ngiti ito sakin. Yung ngiting mapang asar.
Nag simula na kaming kumain, naging tahimik lang kami hangang sa matapos.
"Hangang kelan nyo itatago sakin na mag ex pala kayo". Nanglaki yung mata ko sa sinabi ni lola. Ito yung kinakatakutan ko eh, baka mag tampo si lola dahil nilihim namin ni Richard yung totoo. Kasama pa naman namin ito sa bahay.
"S-sasabihin ko naman talaga la, Kaso hindi ko alam kung p-papaano" Wika ko dito.
"Bakit ka nakipag hiwalay kay Richard? Bigyan mo ko ng magandang sagot Kendy?" Inis na wika ni Lola sakin. Napalunok ako ng laway, ano bang isasagot ko kay Lola? Na na out of love ako Kay Richard? Mukang piprituhin ako ng buhay ni lola.
Hindi agad ako nakaimik, pinag papawisan ako ng malamig.
Tahimik lang din si Richard, mukang hinihintay din nito ang magiging sagot ko."B-bigla nalang po akong na out of love kay Richard eh, parang may gusto pa po akong patunayan sa sarili ko, na parang hindi ko yun magagawa dahil kami ni Richard"
Nahihiyang sagot ko kay Lola."Alam mo bang hindi yun sapat para makipag hiwalay? Lahat ng relasyon nakakaramdam ng ganyan, pero mas pinipili nilang mag stay, hindi sa lahat ng oras ay mahal nyo ang isat-isa. Ang importante dun ay pinili mong manatili sa piling nya, lagi mo lang iisipin yung mga araw na masaya kayo dahil dun ulit mag sisimula yung init ng pag mamahalan nyo". Wika ni Lola, wala akong magawa kundi yumuko at makinig sa sinasabi nito.
"Pinasok mong makipag relasyon, tapos iniwan mo lang sa huli yung taong nag mamahal sayo, tama ba yun? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang maiwan ng taong minamahal mo? " Muling wika ni Lola, hindi ko na napigilan yung pag tulo ng luha ko. Hindi ako nasermonan ni mom and dad nung nalaman nila na broken hearted ako, yung mga pinsan ko naman, kahit sermunan nila ako hindi din ako nakikinig. Iba talaga pag mas nakakatanda sayo yung nag salita na.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...