After namin kumain, ako na ang nag linis ng pinagkainan namin. Nasa kwarto na si Lola, inaasikaso sya ni Richard kaya nakakakilos ako ng maayos. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para makausap ko sya at makahinge ng sorry sa kanya. Sana lang ay mapatawad nya ko.
~Swerte sapian mo ako!~
Nang matapos na ko sa pag huhugas ng plato, kinuha ko na Yung mga gamit ko para dalhin sa magiging kwarto ko, paakyat na ko ng hagdan at pababa naman sya. Napatigil sya sandali at tumingin sakin, at nag patuloy na ulit sya sa pag baba.
Tila kinukurot ang puso ko sa lamig ng pakikitungo nya sakin,
You deserve it Kendy, its all your fault.“K-kamusta kana?” lakas loob kong tanong dito ng mag katapad na kami.
Huminto sya pero hindi man lang ito lumilingon sakin, nasa rigth side ko sya. Sobrang higpit ng hawak ko sa handle ng maleta ko na para bang dito ako kumukuha ng lakas ng loob para kausapin sya."Mas ok ako ngayon Kendy simula nung iniwan mo ko” malamig na sagot nya. Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya tumulo na ito. Sobrang sakit pala lalo na at sa kanya mismo ito nanggaling.
“S-sorry Richard” nakayukong wika ko habang patuloy sa pag bagsak ang luha ko. Hindi na sya umimik at nilampasan nya na ko. Napaupo ako sa hagdan, nakakapanghina yung sinabi nya. Siguro dahil na rin ito sa pagod kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.
Nang makakuha ako ng lakas ay tumayo na ako at kinuha na yung mga gamit ko. Feeling ko tuloy ang TaaS taas ng hagdan ni lola, bakit kasi napakadami kong dalang gamit. Ilang araw ba ko dito? Pwede bang umuwi nalang ako bukas? Pakiramdam ko kasi hindi ako magtatagal dito dahil kay Richard. Pero si Lola Margie ang pinunta ko dito at hindi si Richard, kaya bakit ako aalis?.
Pinag patuloy ko ang pag akyat ko, nasa kalagitnaan na ko ng hagdan ng biglang may umagaw ng maleta ko,
Napanganga ako ng makita ang likod ni Richard. Nauna na syang umakyat dala-dala ang maleta ko. Sumunod ako dito,hindi ako makapaniwala na tinulungan nya ako. Akola ko matitiis nya akong nahihirapan, pero hindi pala.~Wag kang assuming Kendy,naawa lang sya sayo kaya ka nya tinulungan, sya na mismo ang nag sabi na mas ok sya ngayon simula ng mawala ka~ wika ulit ng konsensya ko.
Pumasok sya sa magiging kwarto ko, naabutan ko syang nakatayo sa may bintana. Nakatalikod sya sakin, bigla akong kinabahan.
“Bakit Kendy? Bakit bumalik ka pa?”
Tanong nito, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Malay ko ba na nandito sya, kung alam ko lang na nandito sya, eh di sana hindi na ako pumunta. Hindi ba talaga ako pupunta? Or pupuntahan ko pa din sya. Pero dahil sa sinabi nya kanina sakin, pinag sisihan kong kinausap ko pa sya.“Ok na ko Kendy! Ok na ko!” pasigaw na wika nito. Humarap na sya sakin, nanglilisik yung mga mata nya. Ganun ba sya ka galit sakin para tumaas ng ganyan ang boses nya?
“H-hindi naman ikaw ang pinunta ko dito! Kung alam ko lang na nandito ka hindi na sana ako pumunta!” sigaw ko din dito. Nakakainis kasi, feeling nya naman sya ang pinunta ko dito. Kahit matagal ko na syang gustong makita, hindi naman sa ganitong pagkakataon. Hindi ko to napag handaan.
“Eh di lumayas ka! Ganyan ka naman diba, sanay na sanay kang mang iwan!” Inis na sagot nito sakin, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Real talk talaga, sapul na sapul ako sa sinabi nya.
"Kung nandito ka para huminge ng tawad sakin, huli na Kendy. Matagal na kitang sinukuan.” Wika nito at naglakad sya papunta sa pwesto ko.
“S-sorry Richard, pinag sisihan ko lahat ng mga naging disisyon ko, huli na ng ma-realized ko na- “ Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko. Tumulo nanaman yung luha ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na hangang ngayon ay mahal ko pa rin sya.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...