Ex14

33 2 0
                                    


Third Personal's Pov

Isang buwan na ang lumipas at namanhikan na nga si Richard at ang pamilya nito kela Kendy. Napag usapan na nila ang date kung kelan ang kasalan. Gaganapin ito sa August 28 which is 4 months nalang ang preparations.

"Pink nalang kasi yung theme ng kasal". Wika ni Jeanne, kompleto nanaman ang mag pipinsan dahil sa wedding plan.

"Lagi nalang pink, di ka ba nag sasawa dun? Kaya nagiging kamuka mo na si Hello Kitty eh". Pang aasar naman ni Kevin dito. Simula ng magkaayos si Xandra at Kendy, nag kaayos na din ang mag pipinsan.

"Ihampas ko kaya sayo to?" Banta ni Jeanne habang hawak hawak ang magazine na pinag pipilian nila ng gown para sa mga abay.

Mag kayakap naman si Kendy at Richard habang nakangiting pinag mamasdan ang makukulit nilang pinsan.

"Ang hirap naman kasi mamili, look oh, lahat bagay sakin. Hayss ang hirap talagang maging maganda." Pailing iling naman na wika ni Janica. Natahimik silang lahat. Mukang hindi agree ang mga pinsan ni Kendy sa sinabi ni Janica.

"Ikaw lang ang naniniwala sa sarili mo Janica na maganda ka." Pang aasar ni Carlo dito. Agad naman syang tiningnan ng masama ni Janica. Mag sesecond emotion pa sana si Kevin sa sinabi ni Carlo pero tiningnan agad sya ng masama nito.

"Oo na bagay na sayo lahat, Ikaw na ang pinakang maganda sa lahat"  Sarcastic na wika ni Kevin.

"Baby, kung ikaw ang tatanungin anong gusto mo?" Tanong ni Richard sa soon to be wife nya.

"Ahmm, Rainbow siguro." Sagot ni Kendy, ngumiti naman si Richard,

"Bakit Naman Rainbow baby?" Nakakunot noo na tanong ni Richard dito.

"Ikaw kasi yung rainbow ng buhay ko, dahil sa muling pag balik mo. Nag karoon ulit ng kulay ang mundo ko." Nakangiting wika ni Kendy kahit alam nya sa sarili nya na sadsad na ang linya na yun.

"Ahahaha ang korny mo, pero kinilig ako". Wika ni Richard dito at hinalikan sa lips si Kendy.

"Ahem! Pwede bang sa harap na ng  altar nyo gawin yan?" Inis na wika ni Janica. Simula ng magkaayos si Kendy at Richard, naingit na ang mga pinsan nitong magkaroon ng lovelife.

"Hahaha ang bitter mo girl" Wika ni Jeanne dito.

"Ito nalang kasi, mas ok pa to " Wika ni Freyah na abala sa pag pili ng gown para sa mga brides mate. Natapos na ang paninirahan ni Freyah sa mansion ng mga Schille, and finally pumayag na ito pero may kondisyon pa din. Papayag lang daw sya mag pakasal dito kapag graduate na sila.

"Ay oo nga, bet ko din yan." Pag sang-ayon ni Jeanne. Lumapit si Kendy sa kanila at tiningnan ang gown na napili ni Freyah. Ngumiti si Kendy dahil maganda nga ito. Yung pinsan nyang Gangster magaling din pag dating sa fashion. Nag aalala ako sa kanya dahil sa Arranged married nya.

"So yan nalang, bagay din yung kulay nyan sa lalaki". Wika ni Carlo na nakigulo na din. Dahil nag kasundo na sila, nag simula na silang mag pasukat ng damit.

Hinila naman ako ni Richard papuntang garden. Simula nung mag agaw buhay ako, mas lalong naging sweet si Richard sakin. Kahit nasa work kaming pareho, hindi sya nakakalimot na mag update sakin.

"Excited na akong makasama ka ulit sa iisang bahay at hinding hindi na tayo mag kakahiwalay pa. Bubuo tayo ng masayang pamilya, Ikaw ang Reyna at ang mga anak natin ang magiging prinsesa at prinsipe." Wika nito habang naka back hug sakin. Humarap ako sa kanya at pinatong ang mag kabilang kamay ko sa batok nya.

Hinalikan ko ito sa labi, nakakaadik talaga yung lips ng baby ko. Sobrang lambot kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nag response naman si Richard sa halik ko. Maging sa paghalik nya napaka gentle nya.

"I love you Kendy" Wika nito after naming mag palitan ng halik. Nakatingin ako sa mga mata nyang mapang akit.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan baka hindi ko makatiis." Nakangiting wika nito sakin at kiniss ulit ako nito pero smack lang.

"Hangang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik ka sakin. Akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin." Wika ko dito at niyakap sya, sinandal ko sa dibdib nya yung noo ko.

"Kung hindi gumawa ng paraan yung mga pinsan mo na muli tayong mag kita, siguro hangang ngayon nakikipag basag ulo ako kasama ang mga ka gang ko. Wala na din namang patutunguhan ang buhay ko simula nung mag kahiwalay tayo. Sobrang mahal na mahal kita Kendy". Wika nito at hinalikan ang ulo ko. Ramdam na ramdam ko yung sinabi ni Richard. Punong puno ng pag mamahal yung bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

"Salamat dahil tinangap mo ulit ako sa buhay mo, at this time hinding hindi na ulit tayo mag kakahiwalay. Kahit na magkaroon tayo ng hindi pag kakaunawaan sa mga susunod na araw, mananatili ako sa tabi mo at hinding hindi na ulit kita iiwan". Wika ko dito habang nakayakap pa din sa kanya.

"At kahit naman bumitaw ka, hinding hindi kita susukuan. Alam ko na marami pang darating na pag subok sating dalawa. Kaya tatandaan mo na pwedeng magalit,pero walang mag hihiwalay" Wika nito at hinawakan ang mag kabilang muka ko. Nakangiti kami sa isat-isa.

"I'm so blessed to have you Richard, ikaw yung pinakang magandang binigay sakin ng panginoon. Kaya kapag may aaligid-aligid sayong babae naku! " Wika ko na may pag babanta.

"Hahaha ang cute mo pa naman mag selos baby, pero ayuko ng maulit gaya nung nangyare sa hospital. Napakahirap mong suyuin". Wika nito  at ngumiti ng malapad sakin.

"Kaya sinasabi ko sayo Richard, ang akin ay akin, kaya kapag nalaman kong may ka officemate kang pa dikit-dikit sayo naku! Susugudin ko talaga yun!" Nakasimangot na wika ko dito. Tawa naman ito ng tawa sabay kiss sa labi ko.

"Kahit naman may lumandi sakin, hinding-hindi ko yun papatulan. Dahil sa paningin ko, ikaw lang yung pinakang maganda." Wika nito kaya walang pag lagyan yung ngiti ko.

"Awww aww!" Napahiwalay ako sa pag yakap kay Richard dahil sa tahol ni Danny. Agad ko itong binuhat, napaka spoiled pa naman ng bebe Danny namin. Madalas sa kama ko pa ito natutulog, ayaw nya ng walang aircon. Feeling nya ata tao din sya hindi aso.

"Gusto mo ba maging ring bearer namin ng dad mo?" Tanong ko kay Danny, nakatitig ito sakin na Akala mo talaga ay nauunawaan yung sinasabi ko. Ilang sandali pa ay dinilaan nito ang pisnge ko.

"I think it's a yes." Wika ni Richard at kinuha sakin si Danny. Bumalik kami kung nasan sila Janica. Tapos na silang sukatan, nakapili na din Naman kami ni Richard ng suit and gown. Church wedding ang napili namin, tapos sa Davasco hotel ang reception. Excited na ako maging misis Sandoval!

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon