Ex5

36 3 0
                                    


Richard's Pov

Hindi ko alam na plinano na pala ng mga pinsan ni Kendy na pag tagpuin  ulit kami. Kanina ko lang nalaman nung nahuli na sila ni Kendy. Mag kasama kami ngayon ni Kevin habang nag iihaw.

"Mabuti nalang talaga at pumayag ka na ikaw muna ang mag bantay kay Lola. Nung nalaman ko na anak ka ni tita Imy, pinakiusapan namin si tita na ikaw muna ang pansamantalang mag alaga kay Lola habang wala ang nurse nito. Mabuti nalang talaga at pumayag ka". Pag k-kwento ni Kevin.
 
  So yun pala talaga ang katotohanan. Nakisuyo kasi si mom sakin na samahan muna si Lola dahil parang mama na ang turing nya kay Lola Margie. Madalas kasi si Lola Margie sa cavite dati, naging mag kaibigan sila ni Mom dahil sa halaman. Nag meet sila sa isang garden shop dati at doon na nag simula ang lahat. Nalaman ko lang na sya ang Lola ni Kendy, nung time na nag kwento ito tungkol sa apo nya. Yun yung panahong break na kami ni Kendy.

"Hindi sana namin to gagawin, pero no choice na kami Chad. Si Kendy kasi  after 1month na pag hihiwalay nyo. Bigla syang tumamlay. Hindi na sya yung Kendy na palaging masaya at nakikipag jamming samin. Madalas puro work at bahay nalang sya. Minsan hindi din kumakain. Parang pinaparusahan nya yung sarili nya sa maling naging disisyon nya sa relasyon nyo". Kwento ni Kevin habang binabaliktad nito yung iniihaw naming barbeque.
Habang nag papaypay ako, nakikinig ako sa mga sinasabi nya.

"Lakas nga ng sapak nyan ni Kendy, Tinatanong namin kung bakit sya nakipag break sayo, ang sagot ba naman, hindi nya alam. Parang hindi nya din alam kung anong nangyare, kung bakit bigla syang nawalan ng interest sa relasyon nyo." Muling wika ni Kevin.

Wala akong idea sa mga nangyare kay Kendy sa loob ng tatlong taon naming pag hihiwalay. Gusto nyang maging malaya kaya hinayaan ko sya. Ayaw ko naman na ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya before. Akala ko ako lang yung nahirapan at nasaktan pero ganun din pala sya.

"Kaya ba malaki yung pinayat nya?" Tanong ko kay Kevin, napatingin ito sa cottage kung nasan si Kendy at mga pinsan nito.

"Oo, pero ngayong buwan lang sya humina sa pag kain. Dati kasi nag stress eating yan kaya tumaba sya, pero last month hindi na daw ito mashadong kumakain. More on work tapos lagi daw nag pupuyat. Kaya hindi na nakakain ng maayos. Kaya nga nagawa namin na i-set up kayo para bumalik si Kendy sa dati". Wika ni Kevin at tiningnan ako nito sa mga mata ko.

" May pag-asa pa naman na mag kabalikan kayo diba? Sana mapatawad mo na si Kendy, saksi ako at mga pinsan nya kung paano nya pinag sisihan yung maling disisyon nya. Sana hindi pa sarado yung puso mo para kay Kendy". Nakangiting wika nito at nilagay na sa Plato yung iniihaw namin. Hindi ako nakapag salita sa tanong ni Kevin.

"Alam ko naman na hindi ganun kadaling tangapin yung pang iiwan sayo ni Kendy, pero bro malaki na talaga ang pinag bago ng pinsan ko.  Mahal ka talaga nya, sana bigyan mo sya ng second chance." Wika nito at tinapik ang balikat ko bago sya pumasok ng cottage.

Hindi naman ganun ka tigas ang puso ko para hindi bigyan ng second chance yung babaeng pinakamamahal ko. Pero hindi pa ngayon, mag hintay ka lang Kendy.

Nag simula ng maligo ang mga pinsan ni Kendy. Naiwan kaming tatlo ni Lola Margie at Kendy sa cottage.

" Hindi ba kayo maliligo?" tanong ni lola. Ang pag kakatanda ko, hindi naliligo ng dagat si Kendy. Tamang tingin-tingin lang ito at lakad sa tabing dagat, dahil may trauma ito sa dagat. Ang kwento nya sakin dati, nalunkd sya nung 8years old palang sya. Kaya kahit mahilig sya sa beach, hangang tingin lang ito sa mga naliligo.

"Dito nalang kami lola, mainit na din kasi". Dahilan ko dito, ewan ko ba kung bakit ayaw kung iwan si Kendy.
Gusto ko lagi ko syang nababantayan.
natatakot kasi ako na baka mawala nanaman sya at iwan nanaman ako.

I'm Living With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon