*Kevin's Pov*
For the 1st time may Pov ako
So ayun back to story tayo guys.
Tulad ng sinabi ni Richard nilayo namin sila lola sa lugar na to.
Hindi na ko nabigla kung kasali sya sa isang gang. Madalas naming naririnig ang codename na blockcode.Ang ikinagulat ko si Richard pala yun, kasali din kami ni Carlo sa isang gang sa manila at may chapter din kami dito sa batangas. Wag din kayong maingay na si Freyah yung leader namin.
Napansin na din namin na may nag mamatyag sa bahay ni lola mula kahapon. Akala namin kami ang punterya pero si Richard pala.
Hindi madaling kumalas sa gang kaya mahihirapan si Richard, pero para sa lovelife nila ng pinsan kong si Kendy tutulong kami.
Sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse, agad kasing may sumunod kela lola.Alam na ni Freyah ang gagawin nya dun. Sya lang ang nakakaalam ng plano namin dahil pag nalaman yun ni Jeanne at Janica mag papanic Ang mga yun.
Habang nakasunod kami sa likod agad na niligaw ni Freyah itong kotse na sumusunod sa kanila.
Agad naman namin itong hinarang."May problema ba boss?" Maangas na tanong nung driver.
"Anong kailangan nyo? Wala kaming planong makipag basag ulo dahil may hinahabol kami!" Wika pa ng isa.
"Eh kong gusto kong basagin yang ulo mo!" Pang aasar ni Carlo.
"Aba siraulo tong mga to ah! Nag hahanap ng sakit ng katawan"
Wika pa ng isa. Nasa apat siguro sila dahil sila lang yung lumabas sa kotse.Agad kaming sinugod ng mga ito.
Agad kong sinipa sa sikmura yung driver, sabay suntok sa muka.Yung sumunod naman muntik na kong masapak sa muka kaya agad kung inipit yung kamay nya sa braso ko at binali ito .
"Napaka easy, ni hindi ako pinag pawisan" Pag yayabang ni Carlo ng mapatumba namin yung apat.
Nag madali na kaming sumakay ulit sa kotse namin, agad kaming pumunta sa sinabing lugar ni Richard.
Mukang hindi pa kami huli dahil wala pang war na nangyayare .
Ilang sandali pa mukang ito na, dumating na ang grupo ni Richard.I saw a girl, mukang ito ang sinasabi nyang leader nila. Nasa tindig nito ang pagiging leader. Sumugod na sila, hinayaan lang namin ang mga ito.
Hangat hindi kami kailangan ni Richard d kami tutulong.Mali tong ginagawa namin ni Carlo eh, dahil once na malaman ito ng supremo namin paparusahan kami. Bawal kaming makisali sa war ng iba dahil madadamay ang gang namin.
"Tutunganga nalang ba tayo?" Tanong ni Carlo sakin.
"Kalma lang kasi!" Inis na sagot ko dito. Nakita ko yung leader nila na paalis.
"Sundan mo si Richard, may titingnan lang ako" Wika ko dito. Agad kong sinundan yung leader nila. Pumasok ito sa isang silid. May kausap itong lalaki.
"Siguraduhin mong hindi sya mapapatay ng mga tauhan mo, kung hindi ako ang papatay sa iyo" Wika ng leader nila Richard.
"Sigurado ka ba sa plano mo G-boss? Nakikipag tulungan ka sa leader ng kalaban mo para lang sa isang miembro mo? Bakit anong dahilan? "
Nakangising wika nung lalaking kausap nya.At teka? Leader ng kalaban itong kausap nya. Ano bang binabalak nitong babae na to. Hindi to maganda, patibong ang lahat ng to.
Agad akong nag madali para puntahan si Carlo, kailangan malaman agad to ni Richard.
Nang mahanap ko si Carlo,muntik na kong mahuli.Kasama nya ngayon si Richard at nakikipag laban. Mukang maayos pa naman si Richard pero halatang pagod na ito. Sumugod na din ako,
Hindi kami pwedeng mag tagal dito.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...