Kendy's pov
Wahh na miss ko mag Pov. So ayun nga nakaligtas ako sa kamay ni kamatayan. Pero walang ligtas sakin si Richard, nakakainis kasi. Ipagpapalit nya daw ako, matapos kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya. Na kwento ko na ang lahat ng nangyare kay lola, ang ikinagulat ko alam nya na gangster yung tatlo. So kami nalang pala nila Janica yung walang alam tungkol sa kanila.
Kaibigan nya daw yung supremo nila Freyah. Ibig sabihin matanda na din yun?
"Ipaliwanag nyo nga samin kung anong nangyayare!" Agad akong napalingon sa mga pumasok. Si Janica yung Galit na nag sasalita. Ano kayang nangyare at highblood itong si Janica.
Tahimik na umupo sa sofa si Freyah, Carlo at Kevin.Mukang wala silang balak mag Kwento. Maya maya pa bumukas nanaman ang pinto. Napangiti ako ng makita si Richard may dala itong eco bag. Agad kong inalis yung ngiti sa mga labi ko. Diba nga galit ako sa kanya. Di pa kami bati, suyuin nya muna ako.
"Kevin, ihatid mo na muna ako sa bahay, naiistress ako sa inyo". Wika ni lola. Hala si lola na stress hahah.
Agad naman na tumango si Kevin."Sama ako bro". Wika naman ni Carlo.
"Maiwan ka dito Carlo". Wika ni lola, wala namang nagawa si Carlo kaya naiwan sya kasama yung mga pinsan kong babae. Naupo naman si Richard sa tabi ko. Binuksan nya yung eco bag at nilabas ang laman nito.
Nanglaki ang mata ko nang makita kung ano to, Chocolate ice cream cake lang naman. Nakakainis, alam nya talaga ang kahinaan ko. Hindi ko pinahalata dito na naaakit ako sa Dala nya. Hindi ako marupok! Hindi nga ko madadala sa pa ganyan nya.
"Baby, ibinili kita ng favorite mo. Sorry na po wag kana mag tampo" Wika nito pero hindi ko sya pinansin.
~Sige lang Kendy,mag pakipot ka pa.
"Ayaw ba ni Kendy? Kumakain kami nyan. Chocolate flavor ba yan? Samin nalang." Wika ni Carlo kaya tiningnan ko sya ng masama. Epal naman tong si Carlo eh
"Mukang ayaw nya bro eh, sa inyo na lang sayang to pag natunaw." Sagot ni Richard. Iaabot nya na sana ito kay Carlo ng pigilan ko sya.
"Manahimik ka dyan Carlo! Bumili ka kung gusto mo. Alam mo namang favorite ko to at si Richard pa bumili tapos manghihinge ka?" Pag dadamot ko dito na parang bata. Napangiti naman si Richard sa sinabi ko at umupo na ito ng maayos sa tabi ko.
"Dami pa kasing arti, pa bebe mashado" Wika nanaman ni Carlo.
"Manahimik ka dyan Carlo, baka gusto mong ikaw naman ang mahiga dito." Pananakot ko sa kanya.
"Hahaha tagal naman, bilisan mo Kendy para makapag pahinga naman ako". Wika nito,agad naman syang nakatikim ng mag pinsang batok mula dun sa tatlong babae. Kawawa naman si Carlo, kaya ayaw nyan mag paiwan eh. Madalas kasi syang kawawa samin.
"Aray naman! Kaya ayaw kong maiwan sa inyo eh! Sasaktan nyo lang ako". Madramang wika nito habang himas himas ang ulo nyang nabatukan.
"Mag tino kana kasi." Inis na wika ni Jeanne dito. Natawa naman ako sa inaasta nila.
"Buti naman at ngumingiti kana, galit ka pa ba sakin?" Agad akong napatingin kay Richard. Hindi ko pinansin yung sinabi nya dahil napansin ko yung eye bags nya. Medyo haggard ang baby ko, dahil ba yun sakin?
"Hindi ka ba natulog? Bakit ang lalim ng mata mo?" Tanong ko dito na nakakunot ang noo ko.
"Hinintay ka kasi nyang gumising, di pa nga yan kumakain simula ng dalhin ka dito sa hospital, tapos aaway awayin mo lang." Wika ni Janica na ikinagulat ko.
"T-totoo ba yun? Bakit di ka kumain! Alam mo namang ayaw kong nag papalipas ka ng gutom? Paano kong mahimatay ka? Paano kung mag kasakit ka ng dahil sakin? Paano pala kung hindi agad ako nagising?" Inis na wika ko dito. Hinawakan ko ang kanang muka nito. Gwapo pa din naman ang Richard ko kahit walang tulog.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...