*Third personal's pov *
Hindi mapakali si Richard habang hinihintay ang resulta ng operasyon ni Kendy. Natatakot ito dahil baka tuluyan ng mawala sa kanya ang dalaga.
"W-What happen to her? maayos na b-ba ang kalagayan ni kendy?" Naiiyak na tanong ng pinsan nitong si Janica ng makarating ng hospital.
Hindi umimik si Richard, paano nya ba ipapaliwanag sa mga ito ang nangyare. Wala dapat si Kendy sa emergency room nang dahil sa kanya.
"Please Richard,kausapin mo kami!" inis na pag mamakaawa ni Jeanne.
Pero nanatiling walang imik si Richard hangang sa lumabas na ang Doctor."Kamusta na po ang lagay nya?" si Richard na ang nag tanong dito.
"Mahina ang tibok ng puso nya, pero patuloy na lumalaban, sa ngayon we need blood, marami ng dugo ang nawala sa kanya" Wika ng Doctor na nag oopera ka Kendy.
"Please doc, gawan nyo ang lahat, i-iligtas nyo po ang pinsan ko" Umiiyak na wika ni Janica.
"Anong Blood type ba doc?" tanong ni Richard.
"Type B, kung meron sa inyo ay agad ng sumama sakin dahil wala na tayong oras"
"Ako, ako doc Type B ako" wika ni Richard at agad ng sumama sa doctor.
Pag dating ni Richard sa operating room. Nakita nya dun ang walang malay na si Kendy, may hose at kung ano anong aparatos ang nakakabit sa dalaga.Agad na pinahiga si Richard sa kabilang kama sa tabi ni Kendy,
Wala syang magawa kundi hawakan ang kamay ng dalaga."Please baby lumaban ka, w-wag mo kong iwan" Pag mamakaawa ni Richard dito kasabay ang pag tulo ng kanyang luha.
"Doc! bumababa nanaman yung heartbeat nya!" Pag papanic ng isang nurse. Lalong hinigpitan ni richard ang pag hawak sa kamay ni Kendy.
"Baby, lumaban ka! wag kang sumuko, nandito lang ako sa tabi mo!" Pag mamakaawa ni Richard at patuloy ang pag tulo ng luha nito.
"Sir humiga ka ng maayos, gagawin namin ang lahat maligtas lang sya" wika ng Nurse na nag aasikaso sa Kay Richard.
-
Sa kabilang banda patuloy na hinahanap ni Freyah ang may kagagawan ng lahat ng pag hihirap ni Kendy."G-boss! Hangang dyan ka nalang, wala ka ng kawala sakin!" Wika ni Freyah ng makita ito. Bago pa man muling makatakas si Xandra ay pinaulanan na sya ng bala ni Freyah.
Agad na natumba si Xandra dahil sa tama ng bala nito sa hita at braso.Hindi manlang nag alinlangan si Freyah na barilin ito dahil sa galit na nararamdaman nya. Yan ang kinakatakot ni Kevin at Carlo dahil nagiging halimaw ang ugali nito kapag nagagalit na.
"Tama na Freyah!" Awat ni Kevin sa pinsan nito. Agad na nilapitan ni Kevin si Xandra na syang ikinagalit lalo ni Freyah.
"Umalis ka dyan Kevin kung ayaw mong sayo ko to iputok!" Pag babanta ni Freyah dito ngunit hindi sya pinakingan ni Kevin.
"Enough Freyah! hindi mo sya kailangang patayin!" Wika ni Kevin at binuhat na nito ang namimilipit na si Xandra.
"Are you out of your mind? baka nakakalimutan mo! Sya ang punot dulo ng lahat ng ito! Dahil sa babaeng yan kung bakit nasa hospital ngayon si Kendy! Kaya paano ako titigil!"
Wika ni Freyah habang nang lilisik ang mga mata nito sa galit."Tama na Freyah, ipaubaya mo na sakin ang isang to." Muling wika ni Kevin
"Hindi! hindi ako papayag na buhayin pa sya! Kaya tumigil kana Kevin sa kahibangan mo, ibaba mo yang walang hiyang babae na yan at tatapusin ko na to!" Muling wika ni Freyah na nanginginig dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
I'm Living With My Ex-Boyfriend
RomanceSeries 2 PO ITO NG "MY EX-BOYFRIEND IS MY BOSS" ****Prologue**** Tatlong taon na ang lumipas mula ng mag break si Kendy and Richard. Si Richard ang first love ni Kendy ngunit na out of love ang dalaga dito na syang dahilan ng pakikipag hiwalay nya...