†THKB 1: Shadow

5.8K 122 3
                                    

† † †
CHAPTER 1: SHADOW

"Ma'am pinapatawag nyo po raw ako." agad namang umikot paharap ang swivel chair at sumalubong ang seryosong mukha ng boss nya.

May hawak itong folder na pamilyar sakanya. It was her manuscript. Napamura na lang sya sa isip dahil mukang may kapalpakan na naman syang nagawa.

"May ipapa-revise po ba kayo?" kinakabahan nyang tanong. Hindi ito sumagot at pabagsak na inihagis ng boss nya ang folder sa mesa. "Which chapter do I need to revise? I'll do it right away Ma'am."

Marahas itong bumuga ng hininga. "I need you to revise the WHOLE story Ms. Deladia." mariing anito. "Or better yet change your plot with new genre, new characters, and have new ideas!"

"Pero Ma'am akala ko maayos na ang plot ko? I just revised the part where you just told me. Papaanong pati ang kabuoang storya ay ipapabago nyo pa?"

"Yes, but as I can see...the more you revised it the more you were making it worse! Isa ka pa naman sa inaasahan kong aahon sa firm na ito Carq. Nakilala na kita bilang isang magaling na manunulat pero anong nangyayari sayo? You've become distant and gloomy. Hindi ko nakikita ang passion mo sa sinusulat mo!"

Napayuko ito. "I'm sorry Ma'am. Pagbubutihan ko pa po."

"You should Ms. Deladia. I'll give you another chance. Dahil kung hindi, mapipilitan talaga akong tanggalin ka rito."

Nagningning naman ang mga mata ng dalaga. "I'll do my best Ma'am. Maghahanap po ako ng bagong ideya na papasok sa panlasa nyo!"

"No need." then she grab the small envelope under her table. "This is an invitation for the upcoming exhibit of Mi Primero y Mi Último. A lot of things, like paintings, figures, furniture, and whatnot, remained there for a hundred years ago. Magkakaroon doon ng bidding panigurado. Kaya for sure, maraming haciendero at poncio pilatong pupunta doon."

Inabot naman ng dalaga ang imbitasyon. "Sasama ako sa bidding Ma'am? Ano naman pong bibilhin ko ron?"

Inikutan naman sya nito ng mga mata. "Shunga! Nanganganib na nga tayong ma-bankrupt makikisali ka pa sa bidding."

"Eh ano po bang gagawin ko ron?"

"Find the caretaker of that huge mansion. Dahil doon naman gaganapin ang event. Nalaman kong ang caretaker na 'yon ay matagal ng nagbabantay sa bahay na 'yon. Ask the history of the exhibit. Once you find out, make a story."

"Kailan po ang deadline?"

"I'll give you three months to finish that. Basta matapos mo lang 'yan ng mas maaga, mas mabuti."

NAKAKABINGING tugtog ang sumalubong sa dalaga, kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na sapiliting inaya lang sya. Ang lahat ay may kanya-kanyang mga mundo. Sa nakakaaliw na musika ay tila pinag-iisa ang kanilang katawan. They are swaying their hips and some were grinding each other.

Sa twenty-five years of existence nya parang hindi pa kaya ng dalaga na makakita ng mga wild and erotic na live show. She grew up conservative because of her family. Ga'non kasi sya pinalaki.

"Omg! After three hours, fifteen minutes and twenty-five seconds napapunta mo rin si Maria Makiling!" tili ng bakla nyang kaibigan na niyakap pa sya pagkalapit nila.

"Akala ko nga hindi ko na masisipa 'yan sa bundok nya. Pahirapan pang kaladkarin 'yan dito." paypay sa sariling ani ni Joica. Pagkatapos ay kinuha sa pouch nito ang sanitizer at saka naglagay sa palad.

"Oh paano nyo napalabas sa lungga si Mariang?" natatawang tanong ng isa pa nyang kaibigan na to-tomboy tomboy.

"Ano pa ba, syempre si Jordin! Ang jowa lang naman nya ang weakness nito." tugon naman ni Miles, ang isa sa nangharass talaga sakanya para sumama. Pero may part na napapayag rin sya dahil nga sa kasintahan nito. She just need to relax and forget at the same time.

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon