Telekinesis 17

473 21 0
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐

AMARIEZHA'S POV

Hingal na hingal kaming nakatago sa isang malaking puno ni kulit, nakaupo kaming pareho at nakatingin sa bawat kanto ng pwestong kinalalagyan namin, siya ay sa kanan at tinitingnan kung may nakasunod ba sa'min samantalang ako ay sa kaliwa rin at sinisigurado kung meron ba nakakita sa pagtatago namin dalawa dito sa puno.

"S-sino b-ba s-sila amarie b-bakit nila t-tayo hinahabol." Tila nahihirapang saad ni kulit. Hingal na hingal kami pareho dahil sa sobrang bilis ng takbo namin para lang hindi kami maabutan ng mga humahabol sa'min.

"W-wala a-akong ideya." Hingal kong sagot. Totoo ang sinabi ko hindi ko rin alam kung bakit nila kami hinahabol.

"Nakita ninyo na ba sila?!" Nakita kong tanong ng isang lalaki sa kasamahan nitong tumatakbo papalapit sa pwesto nito na malapit sa lugar ng kinatataguan naming puno.

Agad akong nagtago sa pagkakasilip na iyon at dahil sa nangyaring iyon hindi ko napansin na ganun rin ang ginawa ng kasama ko.

"Aray!"

Sabay namin saad kaya tinakpan ko kaagad ang sariling bibig at isa naman sa kasama ko dahil sa nagawang ingay sa pagkakaumpog namin pareho ng noo.

"Narinig niyo ba iyon?! Nandito lang ang mga iyon, hanapin niyo sila at kung lumaban saktan niyo basta 'wag papatayin ang babae naiintindihan niyo?!" Saad nung leader siguro ng mga ito.

"Pa'no ang kasama niyang lalaki?" Tanong nang isa.

"Bahala kayo! Kung makasagabal patayin niyo, maliwanag ba?!" Nakakakilabot nitong saad.

"Opo maliwanag boss! Tara hanapin natin sa bandang dun!" Sagot ng mga ito.

Malinaw namin naririnig sila dahil hindi naman kami gaanong kalayo sa lugar na pinaghahanapan sa'min. Hinablot pababa ni kulit ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at tiningnan ko ito ng blanko kong ekspresyon.

"Ano ba amarie papatayin mo ba ako? Hanggang ilong ko iyong takip ng kamay mo ah mas mauunahan mo pa akong mapatay bago sila at ang daya rin ako papatayin samantala ikaw buhay? Ang unfair ah." Bulalas nito pero mahina lang para 'di kami marinig nang humahabol sa'min.

Tinitigan ko ito. Wala na talagang pagbabago sa lalaki na ito kahit sa lugar kung saang buhay na namin nakasalalay nagawa niya pa ring magdaldal at maisip ang mga iyon.

"Bakit na naman? Kahit minsan nga magsalita ka." Masungit na nitong sabi. Nagulat ako sa inakto nito. Unang beses niya ako sinungitan puro kasi ngiti at masiglang pangungulit lang kasi ang ginagawa nito kapag magkasama kami. Siguro ganyan talaga. Tao naman kasi siya at may nararamdaman siguro dumating na ang puntong 'di na niya kayang itago ang inis sa'kin. Ikaw ba naman na oras-oras masasayang kwento ang ginagawa niya sa'kin para kapag nagkakasama kaming dalawa hindi tahimik ang paligid samantalang ako ang ginagawa ko lang ay tingnan siya ng mga blanko kong ekspresyon pero kahit ganun patuloy pa rin ito ngumingiti sa akin.

"S-sorry." Sinubukan kong hindi mautal sa pagkakasabi pero nautal pa rin at dahil dun ay napayuko ako. Alam kong naramdaman nito ang lungkot na hindi ko na naitago pa. Ito rin ang unang beses na may sinabihan akong sorry na ibang tao.

Sadyang hindi ko lang talaga alam kung pa'no makitungo sa ibang tao. Masisisi niya ba ako kung siya pa lang ang una kong naging kaibigan? Sa tuwing nagkukwento siya hindi ko alam kung ano dapat sabihin, kung magkukwento rin ba ako sa kaniya pero pa'no kung maboring siya baka magsawa na siya kakasama sa'kin at ang mas malala pa mangyari ang kinakatakot ko, ang iwan na niya ako at iyon ang ayaw kong mangyari.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon