Telekinesis 2

2.2K 89 11
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐





"You may go now." Narinig kong sabi ng teacher namin hindi ko namalayang uwian na pala.

"Yeeees! Sa wakas uwian na rin!"

"Yeboi! Dota time!"

"Oh yeah oh yeah! Uwian na!"

Tuwang tuwang ang mga kaklase ko nang lumabas na ng room ang teacher namin. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nang matapos ako ay tumayo na ako para makauwi na rin pero sa pagtayo kong 'yon nagsitigilan silang lahat at tumingin sa deriksyon ko.

Tss. problema ng mga 'to? Masama na bang tumayo ngayon?

Hindi ko  na lang sila pinansin at nagtuloy sa paglakad. Palagi naman ganito ang nangyayari sa tuwing dadaan ako sa kanila kahit anong ingay nila bigla silang tatahimik at titingnan ako at pagkatapos nun simula na ang bulungan nila at hindi lang 'yon ang ginagawa nila.

Ay potek!

"Hahahaha! Tingnan ninyo ang mangkukulam nadapa!"

Habang turo nito pa sa akin.

"Hahahaha! Oo nga! Panget na nga lampa pa! Kaya kung ako sa'yo lumayas ka na dito anak ng dilim! Naghahasik ka lang ng kasamaan dito!"

At ayon sabay-sabay na silang tumawa sa akin! Ganito palagi ang nararanasan ko sa pang araw-araw na pumapasok ako sa school na ito kung hindi man nila ako pinapalayas binubully naman nila ako.

Tumayo na ako nun at nag-ayos ng sarili tumigil naman sila sa katatawa at ngayon humarap naman ako sa tumisod sa akin at sa kasama nito, lumapit akong kaunti.

Nanlalaki ang mga mata ng mga ito dahil sa ginawa ko at nang dahil dun umatras naman sila ng kaunti rin.

"A-nong g-gawin mo sa amin?!" Natatakot na tanong sa akin ng isa sa kanila.

Nginisihan ko siya at lumapit ako ulit sa kanila.

Lapit ako.

Atras sila.

Lapit ako.

Atras sila.

At nang lumapit ulit ako sa kanila ay sinugurado kong malapit na malapit ako. Nanlalaki naman ang kanilang mga mata at halata sa ekspresyon na pinapakita nila na sobrang kabado sila habang ako ay seryoso at deritso lang ang tingin sa kanila.

"Boo~"

Mahina kong saad at pagkatapos nun ay kanya-kanya silang takbo palabas at hindi magkalayaw sa paglabas sa pintuan.

"Waaaaaaaah! Nakakatakot talaga siya! Humanda 'yan sa akin kapag may nangyaring masama sa akin!"

"Oo nga! Baka sinumpa na niya tayo!"

"Bilis alis na tayo! Magpapatawas pa ako sa albularyo! Baka sinumpa niya akong mabaog! Waaaah 'di ko 'yan matatanggap!"

Tss. boo~ lang 'yong sinabi ko natakot na agad! 'kala ko ba matapang sila! At saka ang OA nila ah! Sumpa agad? nakakasumpa na pala kapag nagsabi ka ng boo~ at magpapaalbularyo pa talaga para matingnan kung sinumpa ko siyang mabaog! kala naman kung may tumanggap sa kanya ang pangit ng ugali!

Naramdaman kong nakatingin ang iba kong mga kaklase sa akin tiningnan ko naman sila pabalik at ayon nagsipag iwasan ng tingin at nagmamadali na rin ayusin ang mga gamit nila. Hindi ko na lang sila pinansin. Dumiretso na lamang ako sa pinto at lumabas na wala na namang masyadong studyante.

Habang naglalakad ako sa hallway may naririnig akong sumisigaw na parang may tinatawag nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para naman sa ako yung tinatawag wala namang kumakausap sa akin dito kahit teacher nga takot din sa akin.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon