Telekinesis 25

328 18 2
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐


AMARIEZHA'S POV

"Hindi ba kayo titigil?!" Nagtitimpi sa galit kong saad nang naiwan kaming tatlo nila joroch at aleno.

Papa'no kaya ang mga ito nakilala ni mama at hindi ko rin talaga inaasahan na makikita sila ngayong gabi. Sa tuwing nakikita ko si aleno ay gustong-gusto ko talaga itong saktan. Pasalamat talaga ito kay kulit dahil kung hindi siguro ay napatay ko ito sa mga oras na 'yon.

"Relax amarie! Hindi kami nagpunta dito para makipag-away okay? Nandito kami para makipag-ayos." Saad ni aleno na may kagat ng mansanas. Naweweirduhan rin ako sa isang ito, sa tuwing nakikita ko ito ay palaging may mansanas na kinakain.

"Wala akong pakialam." Malay ko bang pinagloloko ako ng mga 'to. Papatayin nga nila ako tapos makikipag-usap ako sa magiging killer ko? 'di ako tanga para gawin 'yon.

"We're serious here amariezha." Liningon ko si joroch at nakita ang seryoso sa mga titig nito.

"Seryoso din ako." Ayaw ko talaga makipag-usap sa kanila dahil alam kong 'di sila dapat kasamahin.

"Siguro kailangan na natin mag-usap ng matino at maayos kahit ngayon lang amariezha." Napabuntong hininga pa si joroch.

"Pagbigyan mo na kami at para sa mga katanungan mo tungkol sa'min ay sasagutin namin ng totoo ito, kapalit ang pakikipag-usap mo sa'min ng maayos." Parang nainggayo ako sa sinabing iyon ni aleno. Malalaman ko na rin ang kasagutan sa mga katanungan ko tungkol sa kanila. Ngumisi rin ito sa'kin. Tss. nababasa niya pala ang isipan ko.

"Rason kung bakit maniwala ako sa sinabi niyo?"

Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ay bumuntong-hininga ulit si joroch. Problema nito?

"Buhay mo at ni nigel ang nakasalalay dito."

Matalim kong tiningnan ang dalawa at pagkaraan ay may sumigaw na bisita.

"Pumutok 'yung bombilya!" Medyo nagkagulo ang mga bisita dahil dun.

Nakangisi lang si aleno habang kagat nito ang mansanas habang si joroch ay nakatitig lang sa'kin at parang kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nito. Ibinaba ko na rin sa upuan ang natutulog na si aly.

"Sumunod kayo sa'kin." Malamig pa sa yelo kong saad.

Naglakad ako palabas at alam kong nakasunod lang ang mga ito sa akin dahil naririnig ko ang mga mabibigat na mga yabag nila sa likuran ko.

Nang marinig kong buhay ni nigel ang nakasalaylay na ay walang pagdadalawang-isip akong pumayag. Bakit nakasali si nigel sa gulo naming tatlo? Kung buhay ko lang siguro ay wala akong pakialam pero buhay na rin ni kulit ang pinag-uusapan dito. 'Di ako makakapayag na pati siya ay masali sa problema ko ngayon.

"Bakit nasali si nigel dito?" Nang nasiguro kong walang tao sa kinatatayuan namin ay humarap agad ako sa kanila at ito agad ang tanong lumabas sa bibig ko.

"Simple lang, lahat ng taong nalalapit sa'yo ay kadamay na sa mangyayari." Parang wala lang na sagot ni aleno.

"Kaya kung ayaw mo madamay ang mga mahalagang tao sa buhay mo kailangan mo na makipagkasundo sa'min." Napatingin naman ako kay joroch at suot pa rin nito ang seryosong ekspresyon at sa kung pa'no ako niyang tingnan ay parang nilulunod niya ako. Napaiwas ako ng tingin dahil dun.

"Ano talaga ang kailangan ninyo sa'kin at sino o ano ba kayo?" Mahinahon kong tanong. Kung kailangan ko malaman ang mga katanungan ko sa kanila ay kailangan ko maging mahinahon at panahon na rin siguro upang makapag-usap kami ng maayos dahil kahit anong mangyari nasaakin pa rin ang desisyon kung maniniwala at kung makikipagsundo ako sa kanila.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon