Telekinesis 29

370 17 0
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐

JOROCH'S POV

"Masaya ka na ba joroch?"

Hindi ko nilingon si aleno bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang pagtitig kay amariezha sa labas na abala sa pag eensayo ng kanyang kapangyarihan na mahigit dalawang buwan na niyang ginagawa. Sa loob ng isang buwan na pamamalagi niya at sa unang pagtapak niya dito sa valeur ay hindi niya matanggap pa ang nangyari sa kanya at ang katotohanan.

"Bakit ako magiging masaya?" Tanong ko ring pabalik.

"Dahil nandito na siya malapit sa'yo at abot na abot mo na rin hindi tulad ng dati malayo at misyon mo pa."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa pwestong kinatatayuan ko at nakikititig na rin sa labas ng bintana. Doon na ako humarap sa kanya at tinitigan siya ng blanko at tulad ng dati ay may hawak na naman ito ng mansanas.

"Malapit nga siya at parang abot na abot ko na pero alam nating pareho na hindi." Naramdaman kong nagpalit na naman ang mga mata ko ng kulay kaya umiwas ako sa masuring tingin ni aleno na dapat ay hindi na kailangan dahil kahit anong tago ko ay alam ko naman na nalalaman niya ang totoong nararamdaman ko.

Minsan lamang kami makapag usap na ganito katino ay mali palagi akong matino kausap, si aleno pala ang siyang hindi.

"Malungkot ka, malamlam ang pagkakakulay ng dilaw ng mga mata mo." Kaswal lang nitong saad. Humarap muli ako sa labas ng bintana.

"Hindi ko alam ang dapat maramdaman ko nang nagtagumpay ako sa misyon ko dahil kung hindi ko siya dinala dito marahil ay maayos ang buhay niya at napoprotektahan ko pa siya laban sa kanila pero maliban lang sa kanya."

"Pero kung 'di ka naman nagtagumpay sa misyon mo kaya mo kayang protektahan siya laban sa angkan natin o sa mismong sarili mo?" Napapikit ako sa narinig ko.

Tama lahat ng sinabi niya.

"Hindi ko alam aleno hindi ko alam pero ito lang alam ko pagdating sa kanya puso muna saka na ang utak."



FLASHBACK

Napangiti ako nang makita ang isang batang babae na tuwang-tuwa sa pagpapalipad ng mga bulaklak sa paligid paikot mismo sa katawan niya. Kitang-kita ko ito sa mismong kinatataguan ko sa taas mismo ng puno na siyang malapit lamang sa medyo malaking bakuran ng bahay nila dito sa gitna ng kagubatan.

"A-aray!" Napababa ako 'di oras sa mataas na punong kinapupwestuhan ko nang makitang nadaganan ang maliit na paa niya ng medyo malaking kahoy. Pinapalutang kasi nito ang kahoy at aksidente itong bumagsak sa paanan niya.

Nagmamadali akong lumapit sa kanya para tulungan siya na kahit alam kung ipinagbabawal mismo ng aking ama. Bahala na basta isang beses ko lamang ito gagawin.

"Ayos ka lang?" Nakangiti kong tanong sa kanya at nang tumingala ito ay kita ko kung pa'no umagos sa maliit niyang mukha ang mga luha at namumula-mula pa ang pisngi nito.

Yumuko ako upang tanggalin ang kahoy sa paa niya. Alam ko ring mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon, siya ay nasa limang taon gulang pa lamang samantalang ako ay pitong gulang na. Ito rin ang unang beses na nagpakita ako sa kanya sa mag-iisang taon ko ng pagbabantay sa kanya.

Nang matanggal ko na ang kahoy ay lumuhod naman ako sa mismong harap niya, napakunot noo pa ako dahil sa hitsura niya para kasi siyang nakakitang multo dahil nanlalaki ang mga mata niya, medyo nakabukas pa ang labi pero namumula pa rin ang pisngi at may bakas pa rin ng luha dito. Napangiti ako dahil ang ganda niyang pagmasdan pero nagulat na lang ako ng bigla itong sumigaw na siyang pinagtaka ko.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon