⭐AmegaiLZaNyStaR⭐
AMARIEZHA'S POV
"Sharly agustin?" Hindi siguradong tanong ni kulit dito.
Nagulat ako nang mapagtanto kung sino ito. Si sharly? Anong ginagawa nito dito? Sa pagkakaalam ko ay may pasok pa dahil medyo maaga pa para sa uwian. Basta na lang kasi ako hinila nito ni kulit at walang kahirap-hirap na nakalabas ng gate ng school nang umalis ang guard na nagbabantay.
"OMG! Nigel! Ba't kasama mo 'yang si err- si whatever she is?" Sabay tingin nito sa akin baba taas.
Hindi ko namalayan na katabi na nito si kulit at magkakilala pala sila. Hindi rin maalis sa tono nito ang pagkadiri sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit at batid ko ring parang nakakamatay na sakit kapag binabanggit ang pangalan ko nito.
"Ah sharly si amarie pala kaibigan ko at amarie si sharly classmate ko." Nakangiti at inosente na naman nitong pagpapakilala sa amin hindi nito pansin ang pagkadisgusto sa tono ng pagkakatanong ni sharly sa kanya tungkol sa pagsama niya sa'kin.
Nagkatitigan naman kami ni sharly pagkatapos sabihin niya iyon bahagya pang napaatras ito at nakita ko ang medyo pagkatakot nito sa akin. Napapairap na lang ako sa isip ko sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya sa akin kapag pinapalayas niya ako masyado siyang matapang at pagkatapos parang multong nakakita kapag malalapit o matitigan ko siya. Anong problema ba talaga nito sa akin dahil hindi ko siya maintindihan.
"O-oh w-wag k-kang lalapit!" Sabi nito sa'kin na lumapit pa sa likuran ni kulit.
Nainis ako sa ginawa niya. Kailangan talaga lumapit pa siya sa kanya? Para sa lalapitan ko naman siya! Baka nga mahimatay pa siya kapag ginawa ko yun. Kaya naman ang ginawa ko ay mas tinitigan ko pa siya nang halos walang ekspresyon kong mukha.
"Ha? Ano ba sinasabi mo d'yan sharly bakit naman hindi ka pwedeng lapitan ni amarie?" Nagtatakang tanong nito kay sharly medyo tumagilid pa ang ulo niya para makita niya ang mukha nito.
"Bakit naman hindi? Oh come on 'wag mong sabihin hindi mo alam?" Nakapamaywang na nitong tanong ki kulit at hindi na ako tiningnan pa.
"Alam ang alin?" Tanong ni kulit na ngayon ay magkaharap na sila batid rin sa tono ang kuryusidad nito.
Parang nalantang dahon naman ang naramdaman ko at kinakabahan sa maaring sabihin ni sharly kay kulit. Tama ito hindi pa rin alam ni kulit ang totoong tingin ng iba sa akin ang alam lang nito ay binubully lang ako at hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit.
Pinagpapawisan na ako sa kaba sa maaring maging reaksyon ni kulit pag nalaman niya ang dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo ng iba sa'kin na isa akong halimaw sa paningin nila, matatanggap niya ba ako? Makikipag kaibigan pa ba siya sa akin kung ganon? Hindi, hindi ko alam kaya pumikit na lang ako at naghintay sa sasabihin ni sharly kay kulit tungkol sa gaanong kasama ako sa paningin ng lahat ngunit bago pa man tuluyang magdilim ang paningin ko ay nakita ko ang mapang-uyam nitong ngisi sa akin.
"Sabi na nga ba at wala kang alam tungkol sa babaeng 'yan! Ha! Kung ako sa'yo nigel tigil tigilan mo na ang paglapit lapit sa isang 'yan! Isa siyang halimaw nigel! Halimaw kaya 'wag mo na siya lapitan habang maaga pa at wala pa siyang gaanong chance na saktan ka." Mga salitang narinig ko galing kay sharly.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakaawang bibig ni kulit at nakita ang pagkagulat sa mga mukha nito habang tumitingin sa akin at kay sharly, napailing ako sa hitsura niya, sabi na nga ba! Ang tanga ko naman kasing maniwala na kahit isa, kahit isa lang may magiging kaibigan ako, base sa hitsura nito tiyak alam ko na ang magiging mangyayari sa friendship na nabuo kani-kanina lang. Tumalikod na ako para umalis na doon para hindi na marinig ang mga sasabihin ni kulit na alam kong makakasakit lang sa'kin.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...