Telekinesis 39

214 11 3
                                    

☆AmegaiLZaNyStaR☆

AMARIEZHA'S POV

"Pinuno what's happening?" Naguguluhang tanong ni strife.

"Nahanap tayo ng mga malveillance at kasulukuyang sinusugod," Nanginginig kong saad.

Lahat kami napasigaw nang biglang yumanig ng malakas ang lupa at natumba sa pagkakatayo.

"Shit! girls are you alright?!" Mabilis na tumayo si strife sa pagkakatumba at inalalayang tumayo si cassandra at lilia habang ako ay mabilis na hinanap ng mata ko kung nasaan si kulit dahil natilapon ito kung saan.

"Are you hurt pinuno?" Nag-aalalang tanong ni strife habang tinutulungan akong itayo.

"Wait strife nakita mo ba si kulit? 'yung manikang bigay ni cassandra?" Nilibot ko ng tingin ang paligid at hindi ko siya makita.

"Ayon siya pinuno!"


Agad kong sinundan ng tingin ang tinuturo ni cassandra at nakita ko nga siya, Kasalukuyang bumababa sa halamanan na tinaponan niya.


"Kulit!" Tawag ko sa kanya nang mabilis itong tumatakbo sa direksiyon ko habang nakabuka ang dalawang braso. Lumuhod ako at agad na kinuha siya, "Natakot ka ba?" tanong ko na siyang sinagot ng pagtango niya. Napangiti ako. kamukhang kamukha niya talaga si nigel.


Itinago ko siya sa bulsa ng suot kong bestida upang masiguro na hindi na muli siya mawalay sa'kin. "Kulit matulog ka muna diyan at 'wag kang aalis sa bulsa ko ng walang paalam." Pagsasabi ko sa kanya.


"Pinunong amariezha ayos ka lang ba?" Narinig ko ang nag-aalalang tinig ni joroch sa likuran ko.

Tumayo ako at naharap ang pagod na pagod na joroch bakas sa hitsura niya ang pagmamadaling pagtakbo papunta rito.

"Ayos lang kami, ikaw ayos ka lang ba? Pa'no 'yung iba may nasaktan ba sa kanila?"

Kinakabahan ako para sa kaligtasan ng mga kasamahan namin at higit sa lahat pa'no na kami ngayong nahanap kami ng mga halimaw na iyon. Bigla akong nakaramdam ng galit. Patuloy pa din ang mga sunod sunod na ingay ng pagsabog sa kung saan at nakaramdam ako ng sakit na isipin na mawawalan na naman ang mga kalahi ko ng isang tahanan.

"Ayos na silang lahat si ama at si aleno na ang gumawa ng paraan upang ligtas na makaalis sila papunta sa kaharian ng mga gnome wizzard at doon muna tayo pansamantalang magtatago." Bakas ang lungkot sa boses ni joroch habang sinasabi niya ito at alam kong pinipilit niya ang magpakatatag sa harapan namin. "Mabuti na lang bago nilang masira ang invisible field na nakalagay sa kabahayan ay nakaalis na ang mga kalahi natin." Patuloy niya.

"Cassandra!" Sigaw ni lilia na siyang nakaagaw ng pansin naming lahat.

"Strife!" Umiiyak na sigaw ni cassandra habang hawak ng isang minotaur. Isang halimaw, ang ulo at paa nito ay sa toro samantala ang katawan ay sa lalaking tao.

"Subukan mo lumapit nilalang ng valeur at sa isang iglap lang ay mawawala ang buhay ng batang 'to." Umuusok ang ilong nito habang nagsasalita.


"You son of a bitch! hurt her or I slice you into pieces!" Galit na galit na saad ni strife at sa naginginig na kamay nito ay mayroon nang malaking espada.


Biglang hinawakan nung minotaur sa leeg si cassandra bakas din sa bata ang takot dahil sa naginginig nitong labi habang umiiyak.

"No!" Halos mabaliw na si strife sa sitwasyon.

"U-umalis na k-kayo!" Sigaw ni cassandra at may nakita kaming tulo ng dugo sa leeg niya dahil siguro sa matatalas na kuko ng halimaw kaya nasugatan siya.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon