Telekinesis 43

328 9 0
                                    



⭐AmegaiLZaNyStaR⭐


AMARIEZHA'S POV



"Nasaan tayo joroch?"



Inalalayan niya akong makababa sa pagkakaupo ko sa griffin.


"Nasa lugar tayo kung saan nakatira ang mga gnome wizzard. pansamantala muna tayong titigil sa kanila habang hindi pa kami nakakahanap ni ama nang matataguan natin."


Lumingalinga ako at pinagmasdan ang mga maliliit na mga bahay na nasa itaas nang malalaking puno at lumalabas doon ang ilaw ng gasera sa mga bintana at may nakita rin akong isang maliit na sapa at pinagdudugtungan ng isang tulay upang magsilbing daanan para makalipat sa bawat dulo ng puno.




"Nasaan ang mga taga valeur joroch?"



Sa liit ng mga bahay nandidito ay alam kong hindi magkakasya kahit isang tao man lang.




Sumunod ako sa kanya nang magsimula na siyang maglakad sa kung saan. Apoy na galing sa gasera ang nagsisilbing ilaw namin para makita ang madilimm na daanan.





"Gumawa kami ng malaking tent at doon sila nagsama-sama. Dito ka muna pansamantala at mamahinga, bukas na lang tayo mag-usap." Tumigil kami sa isang maliit na tent na gawa sa isang puting tela.




"Pero joro-"


Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at tinulak na ako papasok.



"Amariezha gabing-gabi na kailangan mo nang mamahinga dahil bukas na bukas din magsisimula na ang pagsasanay mo kasama si ama at sisimulan na ang pagpapalabas nang natutulog mong kapangyarihan." Hinagkan niya ako sa noo at iniwan akong natulala.












"Amariezha." Malumanay niyang tawag.


"A-ayaw ko na po! masakit na po!" Umaatras ako sa tuwing humahakbang siyang papalapit.



"Ssssh. Don't worry amariezha mabilis lang ito." Nakangiti siya sa akin at iniinganyo niya akong lumapit sa kaniya.



Isa na naman sa araw na ito ang kinakatakutan ko. Sa tuwing dinadala niya ako sa lugar na ito, nagsisimula ang kalbaryo ko.





"Hanggang kailan ko pa ito pagdadaanan? hindi ko na kinakaya ang pinagagawa mo sa akin, pakiusap tama na." Umiiyak na ako at nagdadasal na sana maawa na siya sa akin at itinigil na ito.




Biglang umiba ang tingin niya sa akin. "Hindi ba't sabi ko kailangan natin ito gawin upang mabawasan ang sobra-sobra mong kapangyarihan?! bakit ang tigas ng ulo mo amariezha?!"





Nagulat ako nang may pwersang nagpaupo sa akin sa isang upuan at biglang gumalaw ang mga kadena na nakakabit dito at mabilis na pumulupot sa katawan at leeg ko. Sinubukan kong kumawala at gumalaw pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito.



"Tama na po!" Lumuluha kong saad ngunit parang wala lang siyang narinig at nagsimulang lumapit na sa akin.




"Amariezha 'wag nang matigas ang ulo."



Hinalikan niya ako sa noo at dinampi na ang kaniyang palad sa dibdib ko. Namilipit ako sa sakit at nararamdaman ko ang tensyon na nagmumula sa dalawa kong pulso. Ang sakit sakit na hindi ko alam kong saan pa ako kakapit parang hinihigop ang lahat ng lakas sa katawan ko. Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha at kahit nanlalabo ang mga mata ko ay kitang-kita ko kung pa'no dumaloy sa kanyang katawan ang mga enerhiyang galing sa katawan ko. Mula sa palapulsuhan hanggang sa dibdib ay unti-unting nagkakaroon na nang mga pasa.




TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon