⭐AmegaiLZaNyStaR⭐
NIGEL'S POV
"Oo pangako, babalik ako, pagpaasa o pag-asa." Saad niya at tumakbo na papuntang pintuan.
Narinig ko na naman sa kanya ang mga katagang ito 'pagpapaasa o pag-asa' anong meron sa mga salitang ito para sa kanya?
Labag man sa loob kong maiwan dito habang siya ay lumabas ng kwarto at hindi ko alam kung ano gagawin niya at kahit sobrang sobrang pag-aalala na ang nararamadaman ko para sa kaligtasan niya ay hindi ko magawang sumunod sa kanya dahil nakapangako ako.
Napabuntong hininga ako.
Wala ako magawa sa sitwasyon namin. Pa'no kung sa paglabas ni amarie ng pinto ay may mga nakatutok sa kanya ng kanyon? Anong gagawin niya? Wala naman siyang armour or pang shield man lang laban sa kanila. Ano rin ang gagawin ni amarie kung sakaling may mga samurai itong dala? Sana man lang kasi may dalang baril si amarie para 'di pa nga makakalapit sa kanya para i-slice siya ay isang shoot niya lang ay deadbol agad ang mga 'to. Medyo unfair rin 2 vs. sa dami nila? Wala talagang laban talaga kami. Pero kung kami nga dalawa ni amarie walang kalaban laban pa'no pa kaya siya na nag-iisa lang?
Tumayo ako at susunod na sana nang maalala kong nangako pala ako sa kanya at umaasa ito na susundin ko iyon. Ito ang unang beses na pinapangako niya ako kaya dapat ay tuparin ko ito. Kaya kakamot-kamot akong bumalik sa pagkakatago ko sa mesa. Sinabunutan ko ang medyo malago kong mga buhok. It's so damn frustrating! Nag-aalala ako sa kanya bale dapat ako ang nandun at siya dapat dito. Ako dapat ang gumagawa ng paraan para maligtas kami. Sino kasi ang mga iyon at ano naman ang kailangan nila sa kanya? Ang mga X44 na yun gawin ko silang X33 d'yan e.
Nang tinawag niya sa unang pagkakataon ang pangalan ko hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin may kung anong naramdaman akong lumilipad sa tiyan ko at ang pagtibok rin ng puso ko ng malakas at nang dahil dun ay hindi na ako nakapag-isip pa kaya napapayag niya akong pumirmi dito.
Medyo napatalon ako nang makarinig ng napakalakas na tunog ng pagkakasira ng isang bagay.
"Ano yun?"
Pumasok agad sa isip ko siya at ang kaligtasan ni amarie kaya wala anu-ano'y tumayo ako at tumakbo agad sa pintuan at para hanapin siya. May tiwala ako sa kanya pero wala akong tiwala sa mga humahabol sa'min.
I'm so sorry amarie alam kong nangako ako sa'yo na hindi aalis pero nangako rin ako sa'yo bilang kaibigan mo na poprotektahan kita. I can't bear seeing you getting hurt.
AMARIEZHA'S POV
Nang lumabas ako sa kwarto ay sakto naman ang paglabas ng mga unggoy na 'to sa katabing silid-aralan na pinagtataguan namin. Siguro kung hindi ko pa napapayag si kulit na pumirmi dun ay baka naabutan nila na kami at baka rin mapilitan na ako magamit ang telekinesis sa harapan niya.
"Ako 'di ba ang kailangan ninyo? Pwes kung mahuli niyo ko." Sabi ko dito at tumakbo ng napakabilis sa deriksyon nila. Mabuti na lang at medyo watak watak sila at gulat pa ang mga ito sa bigla kong pagpapakita kaya naman huli na para mahablot ako sa pagkakadaan ko. Napangisi ako dahil dito. Mukhang hindi ako mahihirapan patumbahin sila.
'Medyo shunga rin sila nasa harap na 'di pa hinuli tsk, tsk, Walang thrill.' Saad ni aleno na hindi ko naman pinansin. Alam kong nandito lang ito sa paligid.
Umakyat ako sa pangatlong palapag ng gusali para masigurado kong makalayo kami sa kinatataguan ni kulit para hindi siya madamay sa mangyayari ngayon na gagawin ko at para rin hindi niya makita ang tinatago kong kakayahan. Hindi niya na dapat ito malaman pa.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...