Galit na galit ako ngayon,
Wala na rin sa katinuan ang aking isipan,
Hindi ko na rin makontrol ang aking sarili,
Nag-iiba na rin ang aurang bumabalot sa akin,
Nakita ko,
Nakita mismo ng dalawa kong mga mata,
kung paano nila pinahirapan at pinatay sa mismong harapan ko,
Ang taong mahal ko.....
At ang masakit nun ay wala akong nagawa upang ipagtanggol man lang siya.
Anong silbi ng kapangyarihan ko?
Ni hindi ko man lang nagamit upang mailigtas siya.
Kaya ngayong wala na siya,
Wala na akong pakialam kung maraming mamamatay dahil sa gagawin ko.
"Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo!"
Tiningnan ko siya ng nanlilisik kong mga mata habang may tumutulong mga luha dito.
"Sa tingin mo ba ganito ako kahina?!"
Makapangyarihan kong sigaw at sabay nun ang pagkabasag ng lahat ng malalaking salamin sa loob kung saan ako dinala.
Mukha naman ito naalarma sa nangyayari,
"T-tumigil k-ka kung ayaw mo-"
"Kung ayaw kong mamatay?! Iyan na lang ba ang panakot mo sa akin?"
Unti-unting namamatay sindi ang ilaw sa loob ng pinagkulungan sa akin yari ito sa kristal doon niya ako kinulong upang masigurong mako-kontrol niya ang kapangyarihan ko.
"Kanina mo pa pinatay ako! Nang pinatay mo siya! At ngayon wala na siya."
"MAGBABAYAD KA!"
Isa-isang sumasabog ang mga bombilya,
At ang sumunod na nangyari ay ang malakas na pagkawasak ng kristal.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...