Telekinesis 31

286 13 0
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐

AMARIEZHA'S POV

Nasa kalagitnaan kami ni strife sa paglalakad papuntang sentro at kasalukuyang nasa isa pang masukal na kagubatan nang mapaatras kami dahil sa makakasalubong naming mga kakaibang mga nilalang.

"Ano ang mga iyan?" Tanong ko habang siya ay mabilis na hinarangan ang aking harapan upang protektahan ako at handa sa maaring pag-atakeng ibibigay sa'min.

"They are the dark smoke also known as a soul eater, hihigupin nila ang kaluluwa mo at habang ginagawa nila iyon ay unti-unti rin nilang ninanakaw ang iyong mga magagandang alaala at lahat nang masasama ang ititira nila."

Lumulutang ang mga ito papuntang deriksyon namin at ramdam kong nagsipagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanila, wala silang hurma isa lamang silang itim na usok na may isang malaking namumulang mga mata. Nakakatakot silang tingnan.

"Biktima... Kaluluwa..." Malalim na saad nang isang dark smoke nung makita nila kami.

"Kaluluwa! Kaluluwa!" Halos sabay-sabay na nilang saad.

"Shit! I didn't notice that we are walking in the wrong destination." Lumikot ang paningin niya.

"And now we are currently in the dark mountain which all dark and dangerous creatures lives." Natulala ako dahil sa narinig at doon ko lang napansin na ang kaninang may buhay na mga puno at halaman ay unti-unting nagbago sa pagiging tuyo at patay. Naramdaman ko ang mabilis na butil ng pawis na namumuo sa gilid ng noo ko, bigla rin humamog pero salamat at nakikita pa rin ang paligid kaso nga lang nakakatakot sa pakiramdam ang lugar.

"Strife! Anong gagawin natin?!" Hindi ko mapakaling saad lalo na at nang makita ko ang unti-unting dumadaming at nagsisilabasan na mga itim na nilalang sa paligid.

"Don't worry pinuno i'm here and I will protect you until my last breath and that's a promise." Lumingon pa ito sa gawi ko at binigyan ako ng magaan na mga ngiti bago tumakbo sa pasugod na mga dark smoke.

Nakita ko kung pa'no nagliwanag ang kanang kamay ni strife at lumabas ang napakalaking puting espada at agad niyang iniwasiwas ito sa mga katawan ng mga dark smokes ngunit parang walang nangyari dahil hindi man lang natinag ang mga ito para lamang siya tumira ng hangin. Napahiyaw ako sa takot nang makita kung pa'no sugurin at paikutan ng mga dark smokes si strife.

"Strife!" Nag-aalala kong sigaw para sa kaligtasan niya at ang walanghiya nakuha pang kumindat sa'kin.

Tatakbo na sana ako upang tulungan si strife nang may lumundag sa harapan kong napakalaking itim na lobo, napaatras ako at agad rin napatabi nang marinig ang angil sa likod ko at pagtingin ko ganun na rin ang pagkagimbal ko nang makita ang isang pares na mapupulang mga mata, lumibot rin ang aking paningin upang makita na napapalibutan ako ng mga higanteng itim na lobo.

Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa kaba. Ramdam ko rin ang mga nakakadiring hininga nila at kung minamalas ka nga naman ay halos sampu lang naman ang mga ito.

"Okay! Hey doggy doggy huminahon kayo please mga itim na lobo kasi hindi maganda sa katawan ang pagiging palaging galit."

Sinubukan kong kausapin sila at pinagdadasal na sana umubra pero mali yata ang ginawa ko dahil imbes na maging mahinahon ay mas lalo lamang ang mga ito nagalit.

Nahigit ang aking hininga nang makita ang isang malaking lobo na tatalon sa akin at handang lapain ako kaya walang pag-aalinlangan kong iniangat sa lupa at pinalutang ang isang malaking puno na nakatanim lamang sa likod nang itim na lobo at nagawa ko ito sa pamamagitan ng utak ko. Nakita ko rin kung pa'no lumabas ang laway nito sa malaki niyang bibig at naglalakihang pangil, bigla tuloy akong nandiri at sigurado rin akong may rabies ang mga ito kaya kung ayaw kong maulol ay dapat kahit anong mangyari ay 'di nila ako makagat.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon