Telekinesis 44

254 9 10
                                    


☆AmegaiLZaNyStaR☆




THIRD PERSON POV

Nakatayo sa gitna ng malawak na damuhan si amariezha at sa kaniyang harapan ay ang magiting na si heneral theo na tahimik na pinagmamasdan ang nakapikit na dalaga at nakikitaan ng seryosong konsentrasyon.


"Hingang malalim pinuno at sa bawat pagbuga mo ng hangin sa iyong bibig ay pakiramdaman mong maigi ay iyong katawan at isipan," Anito'y istrikto.



Agad naman sinunod ng dalaga ang sinabi ng heneral. Huminga ng malalim at sabay na pinakiramdaman ang sarili bagama't napakunot-noo at napakagat ng sariling labi nang maramdaman ang hindi mawaring unti-unting pag-iinit sa loob ng kanyang katawan. Ito ay nagmumula sa kanyang dibdib at dumadaloy sa mga ugat at pumapalibot sa buong katawan niya.


Hindi batid ni amariezha na nagsisimulang tumaas na ang mga malalaking bato na nakapalibot sa kanilang kinaluluguran, mabilis ang mga ito pumalibot sa kanya at nagmistulang ipo-ipo ng mga bato at habang ito'y umiikot ay maya-maya'y biglang huminto ang mga ito sa ere na siyang parangg mistulang tumigil ang oras.




"Kontrol pinunong amariezha," Saad ni heneral theo habang titig na titig kay amariezha na ngayon ay nakikitaan ng aura.




Lumalabas ang aura nito sa mismong katawan ng dalaga na nagpapahiwatig ng sobrang kalakasan.



"Aaaaaah!"

Napaluhod bigla sa kaniyang kinatatayuan si amariezha habang hawak-hawak ang dibdib. Nakaramdam ito ng sobrang sakit sa dibdib at ulo na para bang may gustong kumawala.




"Pinunong amariezha ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng heneral na agad naman niyang sinakluluhan ang nanghihinang dalaga.



"Opo ayos lang pero ang sakit-sakit ng ulo at dibdib ko at hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay nanghihina ako."



"Mabuti pa ay itigil na muna natin ang pagsasanay mo at mamahinga ka na muna." Tinulungan niya itong tumayo at naglakad na papuntang kabahayan ng mga gnome wizzard.


Sa paglalakad nila ay may dalawang nilalang sila masasalubungan.


"Ginoong dimas magandang hapon saiyo," pagbati ni heneral theo sa pinuno ng mga gnome wizzard.


"Hihihi! magandang hapon din henereal theo hihihi! at pinunong amariezha hihihi! Papunta talaga kami sainyo nitong munting bisita hihihi niyo raw heneral theo." masiglang saad ni dimas sa kanilang dalawa.


Natungo ang atensyon nila sa kasamang lalaki ni dimas na mukhang foreigner dahil sa kutis at tindig nitong parang si strife.


"Good afternoon general theo and pinunong amariezha." Yumukod ito sa harapan ni amariezha na halatang na bigla dahil sa inasta ng nitongnapakagwapong lalaki.


"Good afternoon din pwede ka nang tumayo." Awkward na saad ni amariezha sa binata.



"Masusunod po kamahalan," Agad na tumayo ang binata at binigyan ng isang ngiti si amariezha.


"Pinunong amariezha gusto kong ipakilala saiyo ang magiging pangalawa mong tagapagbantay na si Loui trux na katulad ni strife thunder ay sinanay para pagsilbihan at ipagtanggol ka."


Biglang nanigas si amariezha sa kanyang kinatatayuan at napabalik-balik ang tingin kina heneral theo at kay loui trux.



"Ano?! seryoso?!"


TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon