Telekinesis 40

363 15 5
                                    


☆AmegaiLZaNyStaR☆



AMARIEZHA'S POV

"Rou tingnan mo sila oh!"


Turo ko sa mga puting griffin na nagliliwaliw sa kalangitan, natutuwa akong pagmasdan silang lumilipad-lipad. Kasalukuyang nasa isa kaming malawak na damuhan at dahil dun ay malaya namin silang nakikita.


"Gusto mo tawagin natin isa sa kanila?"


Humarap siya sa akin at nakita ko ang maamo niyang mga ngiti.


"Kahit gusto ko man rou hindi pwede kasi natatandaan mo ba? Pinagbawalan ka 'di ba magtawag o magpaamo ng kung ano mang mga nilalang sa paligid?" Nakakunot kong tanong sa kanya.


Humarap siya sa akin at katulad ko ay nakasuot siyang kulay puti at may mga ginintuang kulay na disenyo na damit, ang pinagkaiba lamang ay nakapang bestida ako.


"Tayo lang naman ang magkasama at walang makakalam nang gagawin ko ngayon at 'yun kung hindi mo ako isusumbong sa kanila at gagawin ko lang naman ito para sa'yo para maging masaya ka e."


Tinitigan ko siya sa mga mata at nakita ko ang senseridad sa kanyang sinabi.


"Sige na nga, salamat rou." Nakangiti kong saad at hinawakan na niya ang dalawa kong mga kamay at tinawag na niya ang isa sa mga griffin na ang katawan at buntot ay sa isang leon samantala ang ulo, pakpak at paa ay sa isang agila.


Sumipol siya at lahat ng griffin sa kalangitan ay napukaw ng atensyon niya.

"Mukha silang mabait pero mababangis silang lahat, diyan ka lang sa likuran ko."

Nagtago ako sa likuran niya at maya-maya'y nakaramdam ako ng malakas na hangin na nagmumula sa harapan.


Mahigpit na niyakap ko siya mula sa likuran.

"Huwag kang matakot nandito ako." Sinilip niya ako at nakita ko ang pares ng abo na mga mata niya.

Humarap siya sa unahan kaya napatingin din ako at natakot nang makita ang mga naglalakihang griffin na galit na galit at ano mang oras ay handa kaming patayin.


Tinitigan niya sandali ang lahat at matapos iyon ay bigla ang mga ito dumapa at naging maamo. Lumapit kami at napili ang isang batang griffin.

"Sige na hawakan mo na siya hindi ka niya sasaktan riez..."

Riez...


Biglang kumabog ang dibdib ko at napamulat.


Pamilyar sa akin ang pangalang riez, sino ba siya at bakit ko napapanaginipan.


"Sa wakas naman ay gising ka na." Isang matipunong tinig.


"S-sino ka?! nasaan ako?!"

Nakita ko ang isang anino sa harapan ko, dinaanan ko ng tingin ang paligid at nasa isa kaming kagubatan at malayo sa kung saan ako kanina.

"Magpakita ka! ikaw ba ang dumukot sa'kin kanina?!" Tumayo ako sa pagkakahiga at dama ko ang takot sa kaligtasan ng aking sarili.


"Bakit hindi ka nagsasalita? anong kailangan mo sa'kin?" Matapang kong tanong, nag-iisip akong ipapanlaban kung sakali mang lusubin niya ako.


"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." Walang pag-aalinlangan nitong sagot at napaatras ako nang humakbang ito ng isa.


'Amariezh-' Biglang naputol ang koneksyon namin ni joroch.


TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon