⭐AmegaiLZaNyStaR⭐
AMARIEZHA'S POV
"Anong kailangan mo na naman?" Tanong ko dito kay joroch.
Nakita ko siyang nag-aabang sa aking dadaanan at alam ko na ako ang pakay niya dahil sa pag harang niya sa aking harapan at ngayon ay kasalukuyan kami nasa likod ng school.
Kasalanan ito ni kulit kung hindi siya pumunta sa classroom at pinagtanggol niya ako at sa pagiging magkaibigan namin 'di sana hindi ako nahiya ng ganu'n, hindi rin sana ako napunta dito sa sobrang bigla ko at kaya minsan ayaw ko siya kasabay dahil naagaw niya ang lahat ng atensyon ng mga tao lalo na ang mga babae sa paligid namin minsan kasi wala naman silang pakialam sa akin at pangbubully lang naman ang palaging ginagawa nila sa akin kaya naman kanina ay nagmamadali akong umalis sa classroom para maiwasan siya.
Ewan ko rin ba sa aking sarili sa tuwing nandya'n siya ay hindi ako mapakali, hindi ko rin maiwasan ang damdaming nagsisimulang umusbong sa tuwing may ginagawa siyang kabutihan sa akin, lahat ito ay bago para sa akin, napakabago nito sa pakiramdam kaya tuloy hindi ko maiwasan ang matakot para sa sarili ko at sa susunod na mangyayayari dahil alam ko lahat ng bagay sa mundo ay walang permamente, hindi rin natin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti ng maging maingat.
"Nandito ako para sabihin sayong mas mabuti ng magkasundo na tayo at sumama ka sa amin." Saad nito sa akin habang mas lumalapit pa sa kinatatayuan ko.
"Magkasundo? Nagpapatawa ka ba? At lalong hindi ako sasama." Sagot ko habang umaatras dahil sa paglapit niya. Tumigil ito sa paglapit at sandali akong tinitigan sa mga mata.
"Seryoso ako, kailangan na natin magkasundo bago pa man mahuli ang lahat."
Tinitigan ko rin siya ng pabalik at pinagmasdan ng mabuti.
"Pagkatapos mong sabihin sa akin na papatayin mo ako at ngayon sasabihin mo sa akin ang mga yan? Hindi pa ako baliw para maniwala sayo."
"Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko sayo noon kaya kung ako saiyo makipagkasundo ka na sa amin."
"Nang dahil sa sinabi mo mas lalong ayaw kong pumayag."
Pagkatapos kong sabihin ang mga 'yun ay dali dali akong tumalikod sa kanya at mabuti na lang at hindi na rin ako nito sinundan o tinawag man lang. Naguguluhan rin ako at nagtataka sa mga sinasabi niya. Bakit niya sinsabing dapat kaming mag kasundo na at sumama ako sa kanila nu'ng kaibigan niya? Higit sa lahat talagang hindi niya binawi ang pagbabanta niya sa akin dati na papatayin ako kung hindi ako papayag. Ano ba talaga ang pakay nila sa akin? Anong meron sa akin na kailangan pa nila akong patayin kung hindi ako sasama at sino ba talaga sila?
Sinabi rin niyang kailangan na namin magkasundo bago pa man mahuli ang lahat, bakit anong mangyayari kung sakaling hindi talaga ako pumayag?
Anong gusto mo talagang ipahiwatig joroch?
Gusto kung alamin ang mga sagot sa aking mga katanungan pero may parte sa aking isipan na wag ko na lang alamin at manahimik na lang. Bakit ba ginugulo nila ako?
"K-kulit? K-kanina ka pa d'yan?"
Natigilan ako sa paglalakad paalis sa likurang bahagi ng lugar na kinatayuan ko kanina nang makita si kulit na nakasandal sa likuran ng pader na parang may hinihintay. Kinabahan ako bigla. May narinig kaya ito sa pinag-usapan namin?
"Ahmm. Hindi naman masyado, So tara na?" Nakangiti nitong saad sa akin at dahil du'n nakikita ko na naman ang mapuputing ngipin.
"So wala ka narinig?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Paano kung narinig niya ang pinag-usapan namin? Ang pag babanta saakin ni joroch? Bahagya akong tumalikod sa kanya upang hindi niya makita ang ekspresyon ko.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...