⭐AmegaiLZaNyStaR⭐
THIRD PERSON'S POV
Tulala at parang wala sa kanyang sarili si nigel habang matiyagang naghihintay sa secret garden at nagbabakasakaling makita na niya si amariezha.
"Where are you amariezha?" Malungkot nitong saad at napayuko na lang.
Pumikit ito at pinakiramdaman ang sarili. Ramdam man nito ang pagtibok ng puso ngunit hindi katulad ng dati na punong-puno ng saya at ngayon ang pakiramdam niya ay may kulang. Umihip ng malakas ang hangin at kasabay nun ang pagliparan ng mga dahon at mga bulaklak na naputol pa sa mga tangkay, napadpad ang deriksyon ng mga ito kay nigel kaya ang nangyari ay halos matabunan na ang halos buong mukha nito ng kan'yang medyo malago ng buhok.
"Ano ba naman 'yan!" Tabig nito sa bulaklak na napasabit sa bandang bangs nito, sumimangot rin ito dahil dun.
"Siguro kung nandito lang si amarie napagtawanan na niya ako." Pinulot nito ang bulaklak na tinabig kanina na siyang nasa paanan lang niya at malungkot na tinitigan.
Biglang tumunog ang telepono nito at buntong hininga na kinuha ito sa bulsa.
"Hello?" Walang kabuhay-buhay nitong sagot at 'di man lang nagawang tingnan kung sino ang tumawag.
"Hello? Who's this?" Saad ulit nito nang walang marinig na sagot.
Napakunot ito ng noo nang babaan siya ng telepono sa kabila at pagtingin nito sa screen ay isang unregistered number kaya napanguso na lang ito at nang akmang itatago na nito ang telepono ay napatigil ito nung makita ang wallpaper niya.
Napangiti siya ng malungkot. Doon sa wallpaper ay ang litrato ni amariezha na mahimbing na natutulog, kuha ito ng araw bago sila hinabol ng mga men in black at ang araw kung saan nalaman niya ang totoong amariezha.
"I miss you." Saad nitong titig na titig sa screen ng telepono.
Nagulat na lang ito nang bigla na naman tumunog ang hawak nitong telepono at pagtingin niya dito ay iba na ang numerong tumatawag at nagtataka rin kung bakit international call iyon. Sinagot nito ang tawag at bago pa man makapagsalita ay naunahan na siya nito sa kabilang linya.
"Oppa/Hyung!" (Big brother!) Sabay na bigkas ng sa kabilang linya.
"Anna hyun?" Hindi makapaniwalang saad ni nigel at talagang nagulat sa bilang pagtawag ng mga kaibigan.
"Ne!" (Yes!) Magiliw na saad naman ni anna.
"Hyung! we're here too! Drei bo and kim shin woo!" (Big brother!) Nagtatampong saad ni drei na siyang tinawanan lang ni nigel.
"We're going to visit you there so wait us."
SOPHIA'S POV
Nakasalampak akong upo sa loob ng aking opisina na kung saan pinagtitiyagaan kong maging isang principal ng skwelahan ng cliford academy. Bakit nga ba ako nandito? Ni hindi nga ako kabilang sa mga nakakasalamuha ko sa mundong 'to!
Napabuntong hininga ako nang makita ang kalendaryo nobyembre na ngayon at mahigit tatlong buwan ko na rin na hindi nakakausap ang isang taong pinaka-importante sa'kin. Siya rin ang isa sa masasabi kong magandang nangyari simula na dumating ako dito.
"Nakakainis ka naman Aleno e! Namimiss na kita pero ni paramdam wala man lang."
Sa totoo lang simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya nakita pang muli. Malungkot akong tumayo at naglakad palabas. Balak kong umuwi na muna at alam kong sermon na naman ang aabutin ko sa aking master.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...