⭐AmegaiLZaNyStaR⭐
AMARIEZHA'S POV
Ilang metro na lang at makakalapit na kami sa lagusan papasok sa secret garden na iyon nang huminto ako dahilan rin na mapatigil ito sa paglalakad dahil nakahawak ito sa kaliwang pulso ko.
"Why did you stop?" Nagtatakang tanong niya.
"Pwedeng sa benches na lang tayo kumain?" Suhestiyon ko.
Pumayag ka!
Kahit alam kong may mangilan-ngilang estudyante doon dumaraan at kahit putaktihin lang nila ako ng mga nakakainis na panghuhusga nila ay wala na akong pakialam hindi ko hahayaang mawala ang nag-iisang taong nakakausap ko dito sa school.
"Ha? E 'di ba mas maganda sa secret garden kumain kasi bukod walang tao e ang presko pa?" Inosenteng tanong nito.
Ano ba 'yan bakit ba kasi tanong ito ng tanong pinanganak ba talaga ito na kalapit ang pagiging madaldal?
Imbes sagutin siya sa mga tanong niya naglakad na lang ako papuntang benches alam ko namang susunod siya sa akin.
"Hey amarie! Ayan ka na naman sa hindi pag-salita at pang-iwan! Hobby mo ba talaga 'yan?" Naririnig kong litanya niya sa likuran ko at ngayon ay sumusunod na sa akin dahil naririnig ko ang mga mabibilis na hakbang nito sa likuran ko para masabayan ako sa paglalakad.
Ngunit bago pa man kami makaalis ay narinig ko pa ang boses sa utak ko na nakakapang inis sa akin.
'Paano ba 'yan Ms. Amariezha mukhang hindi ngayon ang itinadhana para magkita tayo for the second time?' At humalakhak pa ito.
Sarkastiko akong tumawa sa isipan ko at sinabi ang katagang alam kong makakapagpatigil sa kanya.
'Talaga? Kung ganun humanda ka sa pagkikita nating pangalawa.'
Tama lang ang ginawa ko para hindi mapakita na natatakot ako sa kanya.. sa kanila ...
Walang mangyayari kung ipapakita kung natatakot ako sa kanila mas magandang ipakitang lalaban ako sa ano mang binabalak nila sa akin lalo't-lalo na ay wala akong kaalam-alam sa pinaplano nila at malala pa nito kaya nang isa sa kanilang dalawa na pasukin at mabasa ang isipan ko kahit pa malayo ako sa kanila.
"Amarie 'wag na!" Saad ni kulit habang winawagayway ang dalawang kamay na ibig sabihin ay 'wag.
Napakunot ako ng noo dahil dun.
"Wala akong perang binigay para sa pagkain na kinain ko." Saad ko naman.
Katatapos lang namin kumain ng binili niyang chocolate cakes at ngayon naman umiinom kami ng coke in can na binili rin niya naglalahad ako ng pera pambayad sa pagkain binigay niya sa akin kaso ayaw niyang tanggapin pero nag pupumilit pa rin ako nakakahiya naman kasi sa kanya at may pera rin naman ako at hindi ako sanay na may taong nanlilibre sa akin.
"Haiyst! ang kulit amarie! Libre sabi ko nga yun sa'yo parang thank you gift ko na rin 'yon kasi sinamahan mo ako i-tour 'tong school natin na suuuuperr laki!" Nakangiti na naman niyang saad.
Pansin ko hilig rin nitong ngumiti 'no?
"Per-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumayo ito sa pagkakaupo niya sa harapan ko at hinawakan niya ang dalawa kong braso at itinayo rin ako sa pagkakaupo ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
"Ano pa't naging magkaibigan tayo kung pagbabayarin lang kita ng binili kong pagkain para sa atin." Saad nitong nakapagpatigas sa kinatatayuan ko.
"Kaibigan..." Wala sa sariling nasambit ko hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas nagkaroon rin ako nito na masasabi sa tanan ng buhay ko.
"Oo kaibigan! Magkaibigan na tayo 'di ba?" Tanong pa nito.
BINABASA MO ANG
Telekinesis
FantasyHalimaw, mangkukulam , kampon ng kadiliman , ano pa?! ano pa ang pwedeng itawag pa nila sa akin?! Lahat sila iba ang tingin sa akin. Bakit ba ganun sila? mapanghusga! hindi nila inaalam kung ano ang epekto nito sa akin! bata palang... Bata pal...