Telekinesis 24

409 18 10
                                    

⭐AmegaiLZaNyStaR⭐

JOROCH'S POV

"Nakita mo na ba siya joroch?"

Napalingon ako kay aleno na nakasuot ng long sleeves na black and white stripes at may itim na bow tie sa leeg, nakaayos din ang clean cut nitong buhok. Napailing ako nang makita na kumakain na naman ito ng mansanas.

"Hindi pa, kanina ko pa siya hinahanap sa paligid." Luminga-linga ako pero ni anino niya wala akong makita.

"Enjoy the party muna joroch! Later na 'yan magpapakita rin 'yan mamaya! Daming chicks oh kulang na lang hubaran tayo sa mga titig nila! Hahahaha!"

Nakita ko ang mga mabibigat na mga titig ng mga babae sa pwesto namin ni aleno, katulad niya naka long sleeves din ako pero maong yung akin at kulay asul, hindi katulad ni aleno nakatupi ang long sleeves ko hanggang sa siko at naka-ayos din ang clean cut kong buhok habang ang maliit na parang buntot kong bangs ay hinayaan ko lang nakababa sa gitna ng noo ko. Hindi ako nag bow tie dahil baka magmukha akong waiter katulad ni aleno.

"What are you saying aleno?!" Napalingon kaming dalawa ni aleno sa likod at nakita namin ang nakapamaywang na principal ng cliford academy at napaka sexy sa suot nitong black fitted dress. Kumunot ang noo ko habang si aleno ay napangisi.

"Oh hi! Ma'am sophia savedra!" Ngising saad ni aleno habang napakagat sa kanyang napakapulang labi niya ang isa.

"Hi, ma'am sophia." Pagbati ko dito at sasagot na sana ito ng mapatingin ito sa gawing likuran ko.

"Happy birthday madam natasha! You're gorgeous as always!" Nagbesohan pa ang dalawa sa harapan namin.

Nag-igting ang mga panga ko.

"Thank you! By the way sino naman ang dalawang nagagwapuhang mga kasama mo?" Suot nito ang napakatamis na ngiti nang tumingin ito sa amin ni aleno.

"Mga excellent students sila ng cliford academy, ito si Aleno mozario ang panlaban ng school sa quiz bee at ito namang si Joroch abuena ang panlaban natin sa sports take note sa lahat ng larangan ng sports! Sinama ko sila dito para maglibang naman kahit minsan at lumabas muna sila sa kanya-kanyang comfort zone!"

"Talaga? Kayo pala ang isa sa nagpapasikat ng cliford! Nice to meet you aleno and joroch just enjoy the party and feel free tonight hahaha!"

"Thanks madam and happy birthday!" Nakipagkamay pa si aleno dito. Ang plastik talaga kahit kailan.

"Happy birthday." Matipid kong saad. Hindi ko maatim na hawakan ang mga kamay nito kaya bahadyang yumuko na lang ako sa kanya. Badtrip!

"Mama?" Lahat kami napatingin sa likuran ni natasha at natagpuan namin ang kanina pa namin hinahanap. Matagal na naming alam na ang nanay nito ay may share sa cliford academy.

"Amariezha anak saan ka ba nagpunta?" Humarap ito sa kanya.

"May pinuntahan ako." Malamig nitong saad. Naglakad ito palapit kay natasha habang hawak-hawak ang alaga nitong pusa, nakasuot ito ng lavender cocktail dress na binabagayan ng maputla nitong balat at napangisi ako na makitang naka flat shoes ito. Walang pagbabago.

Batid ko ring hindi pa kami napapansin nito dahil tutok na tutok ito kay natasha at para bang wala itong pakialam sa paligid, napakuyom ako ng palad.

'Easy dude! badtrip?' Narinig kong saad ni aleno sa isipan ko kaya napalingon ako dito na nakahalukipkip habang titig na titig kay amariezha.

'Tigilan mo ako aleno, wala ako sa mood.' At seryoso ako sa sinabi ko.

Baka makapatay lang ako.

TelekinesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon